^

PSN Opinyon

Huli na nga ba o hindi pa?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS magpahayag ni Pres. Rodrigo Duterte sa Hanoi, Vietnam na ang gaganaping US-PH military exer­cises ngayong Oktubre ay kahuli-hulihan na, marami na ang nagsasalita para ipaliwanag kung ano talaga ang gustong sabihin ni Duterte. Kung pakikinggan ang kanyang talumpati, tila ito na nga ang huling pagkakataon na magkakaroon ng US-PH military exercises, na ginaganap taun-taon, ayon na rin sa mga kasunduang nilagdaan ng US at Pilipinas. Ang US ang pinakamatagal nang kaalyado ng Pilipinas, magmula pa noong World War 2.

Ayon kay Duterte, ayaw daw ng China ang mga ehersisyong ito, kaya ipatitigil na. Sa madaling salita, mas gugustuhin ni Duterte ang hiling ng China, kaysa sa US. Alam naman natin na tila papalayo na si Duterte sa Amerika, habang papalapit naman sa China at Russia. Pero agad namang nagsalita si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.na ang sinabi raw ni Duterte ay huli na para sa taong 2016 lang. Kung si DFA Sec. Yasay naman ang tatanungin, hindi raw niya narinig ang pahayag na ito, kahit nakaupo mismo sa entablado kung saan nagsasalita si Duterte. Ang kanyang paliwanag naman ay hindi raw sasama ang Pilipinas sa US sa ginagawang patrols ng South China Sea, dahil ayaw nga ito ng China. Siguro dapat si Duterte na mismo ang magpaliwanag kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin sa isyu na ito.

Ganun pa man, patuloy ang pahayag ni Yasay na magpapatuloy ang joint military exercises sa susunod na taon, pero pag-uusapan kung itutuloy pa rin sa 2018. Panay pa ang dagdag na may mga kasunduan ang US at Pilipinas, na hindi basta-basta puwedeng ipawalambisa ni Duterte, at hindi raw humihiwalay ang Pilipinas sa US. Ang laman din ng balita ay patuloy ang magandang relasyon ng dalawang bansa, sa halip ng mga pahayag ni Duterte na kadalalan ay kontra-US na.

Wala namang inilalabas na pahayag ang US hinggil sa mga pahayag ni Duterte tungkol sa mga joint military exercises tulad ng Balikatan. Wala pa. Pero sigurado pinag-uusapan na rin ito sa US, kung ano na nga ba ang relasyon ng dalawang bansa sa kabila ng patuloy na patutsada at patama ni Duterte sa kanila, pati na rin ang sinasabing “independent foreign policy” ng gobyerno na tila palayo na ng US.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with