^

PSN Opinyon

Proteksyon ng batas

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON ay may tinalakay sa House of Representatives na isang interesanteng panukala. Akda ng mismong Speaker, Majority at Minority Leaders, tatanggalin ng panukalang batas sa SandiganBayan ang kapangyarihang magpataw ng preventive suspension ng mga opisyal kapag nalipat na sila ng posisyon. Ang pinagmulan nito ay ang nakaambang na pagsuspinde kina Congressmen Villafuerte at Espino batay sa mga pinara­tangang krimen noong sila ay hindi pa miyembro ng Kongreso.

Marami sa ating mga pampublikong opisyal ang nalalagay sa ganitong sitwasyon. Dahil sa kupad ng pag-usad ng mga kaso, madalas ay nauumpisahan na lang ang imbestigasyon kapag na-appoint na sila or nahalal sa ibang posisyon. Mayroon ding mga sitwasyon kung saan ang kanilang mga karibal sa pulitika, kapag naubusan na ng bala, ay sasampahan na lamang sila, kahit late na late na, ng kung anong maisipang kaso para lang mang-harrass. Ang resulta, imbes na makapaglingkod – lalo na yung mga mandong galing sa botante – sila tuloy ay natetengga ng hanggang anim na buwan. Pansamantala’y walang tumatayong kinatawan ang kanilang distrito o sektor.

Dahil dito, kumilos ang House upang ipatigil ang ganitong kapangyarihan ng Sandiganbayan. Ang  preventive sus­pension ay hindi parusa. Ito ay paraan upang masiguro ng Sandiganbayan, o kahit ng Ombudsman, na ang akusado ay hindi magagamit ang posisyon para paboran ang sarili o hadlangan ang proseso ng batas.

Ang kapangyarihang hawak ng Sandiganbayan o ng Ombudsman ay galing sa batas lang at hindi batay sa mismong Saligang Batas. Dahil ito’y binigay ng Lehislatura, maari ring bawiin ng Lehislatura. Ganyan kasimple ang mate­matiks ng mga mambabatas.

Tayo ay walang mariing pagtutol sa panukala. Paano nga naman nila maiimpluwensyahan ang proseso gayong nalipat na sila ng puwesto. Ang problema – sa bago nilang puwesto ay may pagkakataon silang impluwensiyahan ang proseso. Gaya ng ginagawa nila sa pamamagitan ng panukalang ito.

Kaya ang dapat ay sabayan din nila ang Alvarez proposal ng isa pang panukala. Ipagbawal na rin nila ang  pagpasa ng probis­yon na gagamitin ng Kongresista ang kanilang legislative power para maproteksyunan ang sarili laban sa proseso ng batas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with