^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mauulit ang ‘Ondoy’

Pilipino Star Ngayon

KAHAPON (Setyembre 26) ay inalala ang ikapitong taon nang pananalasa ng Bagyong “Ondoy” sa Metro Manila at mga probinsiya sa Luzon. Ang bagyo ay nagdulot nang grabeng pagbaha. Mahigit 100 tao ang namatay at bilyong halaga ng ari-arian ang nasira.

Hindi ang lakas ng bagyo ang naghatid ng takot sa mamamayan noong Setyembre 26, 2009 kundi ang baha na umabot hanggang ikatlong palapag ng bahay. Maraming residente sa mababang lugar ang nag-akyatan sa bubong para makaligtas sa napakalaking baha.

Subalit sa kabila na maraming namatay at napinsala sa Ondoy marami pa ring hindi natututo. Patuloy pa rin ang walang disiplinang pagtatapon ng basura. Ang mga basura ang isa sa mga dahilan kaya nagkaroon nang malaking baha. Nagbara sa mga daluyan ng tubig ang mga plastic na supot at iba pang hindi nabubulok na bagay.

Patunay ang maraming basura na nakolekta sa loob ng mga bahay sa Provident Village sa Mari­kina na isa sa mga lugar na grabeng napinsala ng baha. Ayon sa mga residente, pawang basura ang inanod sa loob ng kanyang bahay. Mga plastic bags, supot, cup ng noodles at marami pang iba. Hindi kinaya ng mga ilog, sapa at kanal sandamukal na basura.

Isa pang itinuturong dahilan ng pagbaha ay ang pagputol sa mga punongkahoy sa kabundukan. Dahilan din ito ng landslide. Kalbo na ang mga bundok at patuloy pang sinisira.

Ang illegal mining ay isa rin sa mga dahilan. Halos butas-butas na ang mga bundok. Kapag sumobra na ang ulan, lalambot ang bundok at mabibiyak gaya ng nangyari sa St. Bernard, Leyte.

Basura, illegal logging at illegal mining ang dahilan ng pagbaha. At hindi na nakapagtataka kung muling maulit ang “Ondoy”. Marami pa rin ang hindi natututo. Patuloy ang kawalan ng disi­plina at walang patumangga kung sirain ang kapaligiran. Ilan pa ang kailangang mamatay sa baha bago matuto?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with