^

PSN Opinyon

Ingat sa ‘Dugo-dugo!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA mga eksklusibong subdibisyon kung saan ang mga nakatira ay mayayaman, laging mataas ang posibilidad ng pag-atake ng “Dugo-dugo” gang!

Ngayong “ber” months aktibo ang mga sindikato. Sina­samantala ang pagiging abala ng gobyerno sa giyera­ kontra droga.

Tinawag na “Dugo-dugo” ang estilo ng kanilang modus dahil nagpapakilala silang malapit na kamag-anak o ka­ibigan ng amo ng kasambahay na kanilang bibiktimahin. Sa madaling sabi, para madaling makuha ang loob at paniwalain ang kausap sa kabilang linya, magpapakilala silang ka-dugo ng amo!

Subalit, bago isagawa ng gang ang kanilang modus, napag-aralan na nilang mabuti ang numero at background ng potential victims. Kapado na nila kung ilan at kung sinu-sino ang naiiwang residente sa bahay. Kapag alam na nila, madali na nilang magagawa ang balak sa pamamagitan ng telepono.

Tatawagan ang target na kasambahay at sasabihing­ naaksidente o nadisgrasya ang kanyang amo. Dahil walang pera ang kausap, uutusan ito na kunin ang mga pera o alahas sa pinagtataguan ng amo para may ma­ga­mit kuno sa mga gastusin sa ospital. Kapag hawak na ng kasambahay ang mga ipinakukuha, bibigyan siya ng mga kawatan ng instruction.

Malalaman na lang ng kasambahay na nabiktima sila ng “Dugo-dugo” gang kapag nakarating na ng bahay ang kaniyang amo, ligtas at walang anumang galos.

Pinapaalalahanan ng BITAG ang publiko, partikular ang mga namamasukan, ‘wag makikipag-usap sa telepono­ kung kaduda-duda ang katauhan ng estrangherong nag­­tatanong sa kabilang linya. Alamin ang numero ng tele­pono ng amo sa kanilang opisina para maberipika ang anumang tawag mula sa sindikato.

Higit sa lahat, upang makaiwas sa ganitong uri ng modus, makabubuting paalalahanan lagi ng amo ang kanyang mga naiiwang tauhan sa bahay. Mas mainam din kung bibigyan na lang ng amo ang mga kasambahay ng kanya-kanyang telepono na tatawagan tuwing may emergency.

Mag-ingat, mag-ingat.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with