^

PSN Opinyon

‘Outside looking in’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAKATINGIN ang ibang mga bansa sa Pilipinas hinggil sa giyera kontra droga.

Umaalma ang United States at United Nations. Tuma­taas pa raw ang bilang ng umano’y extrajudicial killings. Problema, ang mga tao ayaw tumingin ng diretso. Tiwala at may kumpyansa sila sa kampanya ng gobyerno. Hindi sila interesado sa ingay ng mga oposisyon at Simbahan at pagdedepensa ng CHR.

Nanawa na ang tao sa due process na status quo. Ang mahalaga, bumaba agad ang krimen sa loob pa lang ng dalawang buwan. Kailangang makasabay ang hukuman sa mabilis na pagkilos ng pulisya sa giyera kontra droga.

Importante na ang mga police operations magdulot ng matagumpay na prosekyusyon at matagumpay na pagbaba ng hatol. Dismayado na ang tao sa hukuman na kilos-pagong.

Ito ang hindi nakikita ng “outside looking in.”

Kung ano lang ang kanilang nababasa mula sa mga bleeding heart na local media, yun na agad ang kanilang pinaniniwalaan. Mga lokal na media rin ang basehan ng mga foreign media na nasasaganap naman ng UN, US at ng iba’t iba pang mga bansa.

Pursigido si Pres. Rody Duterte na manalo sa anti-drug war campaign na matagal nang napabayaan ng mga nakaraang administrasyon. Wala siyang pakialam anuman ang kanyang maging imahe sa mga nagmamasid na taga-labas.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with