^

PSN Opinyon

Tatagan ang loob laban sa Beijing

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KABOBOHAN ang pagsabi na hindi maipapairal ng Pilipinas ang pasya ng UN Permanent Court of Arbitration (PCA) laban sa China. Apat ang punto ng husga: (1) Ilegal ang “nine-dashed line” boundary ng China sa halos buong South China Sea. (2) Nilabag ng China ang 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas sa pagpalayas ng mangi­ngisdang Pilipino sa Scarborough Shoal. (3) Nilabag din ng China ang Philippine EEZ nang angkinin ang Fiery Cross, Mischief, Johnson South, Hughes, Cuarteron, Gaven, at McKennan Reefs. (4) Winasak ng China ang kalikasan nang gawing artipisyal na isla ang pitong bahura, at hayaan ang Hainanese fishers umani ng endangered na taklobo, pawikan, at fan corals sa Scarborough. Anang mga isip-talunan, wala tayong laban sa higanteng China -- kaya magtahimik na lang at sumunod sa nais nito.

Mag-aral sana ang mga defeatists. Nung 1984 dine­manda rin ng Nicaragua ang US sa International Court of Justice (ICJ). Ito’y matapos latagan ng US ng sea mines ang karagatan at mga pier ng Nicaragua -- na ikinasabog ng mga barko at ikinasira ng mga bahura. Tulad ng China sa PCA, binoykot din ng America ang paglilitis ng ICJ. Nagbanta rin ito na hindi kikilalanin ang anomang pasya.

Nu’ng 1986 hinusga ng 11 sa 15 huwes na nilabag ng US ang sobereniya ng Nicaragua. Pinagbayad ito ng $370.2 mil­yon damages. Pero nagmatigas ang US na wala silang sala.

Dumulog ang Nicaragua sa UN Security Council. Pero dahil permanent member doon ang US (tulad ng China), nag-veto ito. Dumulog ang Nicaragua sa UN General Assembly. Nag-lobby ang US para ibasura ang pasya. Nang sumunod na taon, humingi muli ng botohan ang Nicaragua; talo muli pero mas konti na ang kakampi ng US.

Ikatlong taon, nagpa-botohan muli ang Nicaragua. Natunugan ng US na matatalo siya, kaya nakipagbati sa Nicaragua. Inalok ng aid -- higit pa sa $370.2 milyon -- ang bagong gobyerno. Panalo ang maliit!

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with