^

PSN Opinyon

Tactless Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA ang ipinakikitang political will ni Presidente Duterte sa maayos na pagpapatupad ng kanyang mga reform agenda lalu na yung may kinalaman sa bawal na droga.

Kaso lang, kapag umaani siya ng pagbatikos ay nagiging “taklesa” sa pananalita. Kahit Amerika pa o United Nations ang tumuligsa sa kanya ay nadadala siya ng emosyon at nagiging unpresidential.

Yung lang sinabi niya na magbibitiw sa United Nations ang Pilipinas kung hindi titigil ang naturang pandaigdig na samahan sa pagtuligsa sa kanyang war on drug ay isang seryosong isyu na posibleng makaapekto sa diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa. Walang bansang mabubuhay ngayon kung walang relasyon sa ibang mga bansa sa ilalim ng tinatawag na globalization.

Kaya naman katakutakot na trouble shooting at pagsalag ang ginagawa ng gabinete ng Pangulo para mapalambot man lang ang mga matitigas at mararahas niyang pahayag.

Pero iyan ang natural ng Pangulo na tingin ko’y hindi na mababago. Walang diplomasya at hantarang ipina­pahayag ang laman ng puso. Sabi nga ni Senador Dick Gordon, nagawa ni Duterte ang mga bagay na hindi kailanman nagawa ng sino mang nakaraang Pangulo.

Naalala ko ang sinabi sa akin noon ng kaibigan nating si Presidential peace adviser Jesus Dureza na magbabago na ang Pangulo sa sandaling maluklok sa puwesto. Sa unang mga araw ay tila nagbago nga. Napansin ito sa kanyang inaugural speech matapos manumpa. Pero ilang buwan pa lang ang lumilipas ay lumalabas na naman sa kanyang bibig ang mga pagmumura sa kanyang mga public speeches.

Tungkol sa pinakahuli niyang undiplomatic statement na kakalas ang Pilipinas sa United Nations, kumambyo na ang Pangulo. Nagpapatawa lang daw siya. Gayunman, iginiit pa rin ng Pangulo na hindi dapat manghimasok sa suliraning panloob ng Pilipinas. Iba talaga siya. Isa siyang Pangulo na matatatak sa kasaysayan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with