^

PSN Opinyon

Tamang Mainis

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG pagkamangha ng UN Rapporteurs sa nagaganap na extrajudicial killings (EJK) at sa mga inaasta at binibitiwang salita ng ating Pangulo Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang naging mitsa ng kasalukuyang ba­ngayan sa pagitan ni PRRD at United Nations.

Hindi natin masisisi ang ating bagong halal na Presidente na mainis sa mga binitiwang komento ng UN Rapporteurs. Ikaw ba naman ay matutuwa kung sa loob ng iilang araw ng iyong paghawak ng renda ng gobyerno ay agad titindigan nitong mga bisitang banyaga ang iyong mga plano para sa bansang nagtiwala at hayagan itong kokondenahin?

Sa mga salita ng UN Rapporteurs ay halos kumpirmahin na nila na ang umaapaw na EJK sa mga sangkot sa illegal na droga ay gawain mismo ng pamahalaan ni PRRD. Imbes na ilapit ito sa Malacañang at gawing pormal ang kanilang obserbasyon, pinili nilang sa media ihayag ang kanilang sentim­yento. Dito nainis ang Presidente. Hindi nito kinukuwestyon ang kanilang kontra opinyon. Ang hindi nito naibigan ay ang desisyon nitong isapubliko agad ang paratang gayong bukas naman ang linya upang makausap ang Presidente.

Para sa isang hindi pa man umiinit ang puwit sa upuan, nakakairita nga ang pangunahan lalo na kung malinaw na hindi naman sinala ng mga rapporteur ang kanilang impormasyon sa kaukulang proseso. Sa totoo lang ay iilang araw pa lang sila narito at sa sandaling panahon na iyon ay para bang napakasigurado na nila sa binitiwang paratang.

Ang kaso ay hindi lamang ang UN ang may ganitong impresyon. Ang mga respetado at nangungunang media organization sa buong mundo ay nakakapansin na rin sa mga nangyayari sa ating bakuran. Kabilang ang New York Times sa USA at ang Economist sa UK sa mga naglabas na ng kritikal na posisyon laban sa mga EJK sa ilalim ng administrasyon ni PRRD.

Hindi nga masisi si PRRD sa kanyang reaksyon. Subalit sana ay hindi makubli ng kanyang pagkainis ang kinakailangang linaw ng pag-iisip upang harapin ang katotohanan na buong mundo na ang nakakahalata sa mala-box office sa takilyang pagtabo ng EJK sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with