^

PSN Opinyon

Sunod na hakbang?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGDEKLARA ng tagumpay ang China nang matapos ang pagpulong ng mga foreign ministers ng ASEAN sa Vientienne, Laos noong Lunes. Bakit? Wala kasing inilabas na opisyal na pahayag ang ASEAN kaugnay sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) kung saan nanalo ang petisyon ng Pilipinas. Ang desisyon ay may kabuluhan din kasi sa ilang mga bansa na may kaparehong problema sa China hinggil sa teritoryo. Bago pa lang magsimula ang pagpupulong, maingay na ang China sa kanilang demanda na hindi dapat italakay ang lumabas na desisyon sa pagpulong. Kailangang bang­gitin din na may dalawang kaalyado ang China sa ASEAN – Laos at Cambodia – na ilang beses nang hinarang ang anumang opisyal na pahayag ng ASEAN laban sa China.

Sa simula pa lang daw ng pagpulong, wala nang nagbabanggit ng makasaysayang desisyon ng PCA. Ayon naman kay DFA Sec. Yasay, mariin daw niyang isinulong na isama ang desisyon sa talakayan. Pero lahat nang miyembro, pati ang Vietnam na akala ko pa naman ay sila ang magsusuporta sa bansa dahil sila ang may kasaysayan ng karahasan laban sa China hinggil sa teritoryo ay tila tumahimik lang. Ayaw naman tingnan ni Yasay na tagumpay ito ng China dahil wala rin namang bansang nagsabi na walang saysay ang desisyon.

Nasa bansa naman si US Secretary of State John Kerry noong Miyerkules para makipagpulong kay President Duterte sa ilang mga isyu, kabilang ang tensyon sa karagatan. Iginiit niya ang suporta ng Amerika sa Pili­pinas sa rehiyon, at sinabing hindi puwedeng ipawalang-saysay ang desisyon ng PCA, dahil legal na desisyon ng korte ito. Muling hinikayat ang lahat ng bansa na kumilos alinsunod sa desisyon, at huwag idaan sa dahas ang mga isyu. Mas gugustuhin din na mag-usap nang maayos ang Pilipinas at China para maayos na ang problema.

Pero sinubukan na nga nating makipag-usap. Ang problema ay may kundisyon ang China na hindi naman natin matanggap. Tulad ng sabi ni Kerry, imposibleng ipawalang-saysay ang desiyon ng PCA. Kaya tila mainit na naman ang China sa Amerika, Japan at Australia ngayon, dahil sa kanilang pahayag hinggil sa desisyon ng PCA. Sila raw ang nagpapasama ng tensiyon sa rehiyon. Maghihintay na lang siguro tayo kapag natuloy na ang pagtungo ni dating President Ramos sa China kung ano ang susunod na hakbang, kung meron.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with