^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tutukan din ang iba pang krimen

Pilipino Star Ngayon

PATULOY ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa drug syndicates at ma­rami nang napapatay na pushers dahil sa tangkang paglaban. Mahigit 400 na umano ang napapatay ng pulisya sa pinaigting na kampanya laban sa droga. Kamakalawa, dalawang pulis na tinatawag na “ninja” ang napatay sa Maynila at Taguig. Ang “ninja” ay mga pulis na nagre-recycle ng shabu na kanilang nakukumpiska.

Ayon sa PNP, magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa mga nagpapakalat ng illegal na droga at lulutasin sa loob ng anim na buwan gaya nang pinangako ni Pres. Rodrigo Duterte noong nangangampanya. Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, sasagasaan nila ang sindikato ng droga at walang atrasan ang kanilang kampanya hanggang malIpol ang drug traffickers.

Marami ang sumusuporta sa kampanya ng PNP laban sa illegal na droga. Anila dapat lang malipol ang mga pushers sapagkat marami nang nasisi­rang buhay lalo na ang mga kabataan. Ayon sa report, 90 percent ng barangay sa Metro Manila ay drug infested. At ayon sa report, may mga barangay official na sangkot sa pagtutulak ng droga. Kamakailan, isang barangay kagawad sa Quezon City ang nahuling nagsa-shabu sa likod ng barangay.

Marami ang natutuwa sa kampanya ng pulisya sa illegal na droga pero mas lalong matutuwa kung tututukan din ang ibang krimen na tila nalimutan na ngayon. Laganap ang holdapan sa jeepney, bus at establisimento. Kamakalawa, isang branch ng express padala ang hinoldap ng riding-in-tandem at nakatangay nang malaking pera. Isang motorcycle company din ang hinoldap at natangayan ng ma­laking pera. Noong Miyerkules, isang laundry shop ang hinoldap sa Rizal at nakulimbat ang malaking halaga.

Habang nakatutok sa drug traffickers ang mga pulis, bumabanat naman ang mga holdaper, snatcher at mandurukot. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kawatan habang busy ang pulisya sa mga addict at pusher. Ipakalat ang mga pulis para mapigilan ang mga magnanakaw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with