^

PSN Opinyon

Arangkadang perdegana

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HANEP din ang arangkada ni Boss Digong.  Kung baga sa laro, “perdegana”. Bigay hilig sa gusto ng madlang people pero masakit sa kaaway dahil ubusan ng lahi ang labanan. Hehehe !

Dati-rati paramihan ng palakpak sa Pangulo tuwing siya ay humaharap sa Kongreso para sa  kanyang SONA address, pero ngayon hindi mapigil ang tawanan dahil ipinakita ni Boss Digong na puede pala ang salitang kalye sa isang pormal na pagtitipon ng mga matataas na kawani ng ating government of the Republic of the Philippines my Philippines. Aaminin ko na ang Chief Kuwago ay natuwa dahil sa kaniyang mga binitawang salita.

Pero nakikita ko na bukal sa puso ni Boss Digong na hindi niya palulusutin ang katiwalaan kahit may kaunting patawa sa mga binitiwan niyang kalapati este mali talumpati pala.

Una nga, kahit daw tatlong taon lang siya sa puesto ayos na basta nagawa na niya ang kaniyang mga plano para maisaayos ang ating bureaukrasya. Hindi raw siya magda-dalawang isip magretiro sa puesto kung natupad na ang kaniyang minithing ‘federalism’ at naubos na ang hindi mabilang na mga sindikato ng illegal na droga.

Ipinakita niya na seryoso siya sa usapang pang kapayapaan dahil biglang nagdeklara ng tigil-putukan laban sa mga rebeldeng komunista. Nasa kanila na kung irerespeto nila ito at gumawa ng sariling mga hakbang para matigil na ang labanan sa mga kanayunan.

Ika nga, Pinoy vs. Pinoy!

Kambiyo issue, saan ka makakakita ng isang pulong ng Kongreso na walang kumontra at mismong ang ating dating Speaker Feliciano Belmonte ang nag-nominate sa bagong lider ng House of Representatives. 

Ipinaramdam lang ni Speaker Belmonte ang kaniyang mensahe na matapos ang pamumulitika, dapat magkaisa ang madlang Pinoy sa mga tatahakin ng ating bagong pamunuan kung ating itutuloy ang nasimulang mga reporma.

Talagang kulang pa at ganyan ang ipinakita ni Boss Digong. 

Ika nga, marami pang dapat gawin at medyo madugo. 

Nabigla nga ako nang sa simula pa  lang ng kaniyang talumpati sinabi na niya na puede niyang kalimutan ang nakaraan pero dapat ituwid kung ano man ang naging mga pagkakamali noon.

Sana hindi ito maisip ng mga dating kawatan na absuelto na sila. Dahil si Boss Digong mismo ang nagsabi na dapat  humarap sa hustisya kung sinuman ang nagkasala.

Diyan sila matakot kasi kung itutuloy pa rin nila ito, si Boss Digong na mismo ang kanilang kalaban.

Ang tanong nang mga kuwago ng ORA MISMO, naintindihan din naman kaya ng kaniyang mga bagong appointee na kahit sila ay hindi sasantuhin ni Boss Digong ?

Ibig sabihin niyan kung marami silang kababalaghang naiisip gawin, medyo maghinay-hinay muna sila.

Iyan ang gusto nating makita sa mga susunod na arangkada ni Boss Digong.  Kung paano niya maawat ang mga naglalaway-laway na mga bagong saltang bataan niya ? Hehehe !

Yun kasing iba diyan matagal na rin namang nawala sa pader este mali poder pala, at tiyak hayok na sa grasya mula sa kabang bayan ?

Kahit ngayon alam naman natin na me pagka-marka demonyo na ang ibang mga bagong hirang na opisyal na ito.   Baka naman sakaling nahimasmasan na ng kabaitan. Pero ewan ko. Ang alam ko lang kung baga sa addict, hiyang na sa kawalanghiyaan at mahirap nang ituwid ang kanilang mga criminal na pag-iisip.

Puwes, abangan ang susunod na kabanata.

Alyas Engelloyd, ang dupang/pusher sa Muntinlupa

MALAKING hamon sa pulisya ng Muntinlupa City at Biñan City, si alyas Engelloyd, ang notorious pusher at dupang na adik dahil patuloy pa rin ito sa kanyang illegal drug trade.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naiispatan ang dupang na ito sa mga lugar dyan sa Alabang, Poblacion at Putatan, Muntinlupa City at mananakang tumatalon  na parang tipaklong sa Biñan, Laguna, dahil doon nakalungga ang kanyang syotang sinasabing anak ng puta este mali pulitiko pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last time around doon sa San Guillermo Street, Putatan, patalong-talon at tumitirik ang dupang na pusher.

Nagtataka lamang ang mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit hanggang ngayon ay pakuya-kuyakoy pa rin ang hinayupak na ito.

PNP MUNTINLUPA at PNP BIÑAN, ano pa ang hinihintay nyo, kalawitin nyo na yan at baka si Gen. Bato pa ang makakalawit kahiya-hiya kayo.

Abangan

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with