^

PSN Opinyon

Unang ulat

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

HIGIT pa sa kanyang inaugural speech noong June 30 sa Heroes Hall ng Malacañang ay inaabangan ngayon kung ano ang  magiging laman ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rodrigo Duterte  sa gaganaping Joint Session ng Senado at Kongreso bukas sa Batasang Pambansa.

Inaasahan na ang tatalakayin sa kanyang SONA ay ang kanyang mga pangako noong kampanya, maging kung paano niya gagawin ang kanyang 10-point socio-economic agenda.

Inaasahan din na pag-usapang muli ni President Duterte ang maraming bagay katulad ng kanyang kasalukuyang kampanya laban sa kriminalidad at iligal na droga.

Tiyak na ang maging sentro ng kanyang talumpati ay ang magiging policies niya sa kanyang governance na kahit paano ay nabanggit na rin niya ng ilang ulit sa mga nagdaang speaking engagements.

May ibang sektor din na gusto nilang marinig sa Presidente ang tungkol sa budget at kung paano niya mapopondohan ang mga pinangako niyang umento sa sahod sa hanay ng pulis, militar, guro at iba pang kawani ng pamahalaan.

Lahat iyon ay talagang kaabang-abang bukas dakong alas tres ng hapon na kung saan gaganapin ang kauna-unahang SONA ni President Duterte.

Mag-iisang buwan na ring nanunungkulan si Duterte at bagama’t ang kanyang trust rating ayon sa Social Weather Stations, nakasalalay pa rin sa kung ano ang mangyayari sa susunod na limang taon at 11 buwan bago bababa sa puwesto si Duterte upang magbigay daan sa susunod na presidente sa 2022.

Mahaba pa ang biyahe at nasa Unang Ulat pa lang tayo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with