^

PSN Opinyon

Pilay na

BANAT NI BATUIGAS - Pilipino Star Ngayon

KUNG pag-uusapan ang kampanya ng PNP laban sa droga tiyak na manghihilakbot tayo sa resulta nito, dahil araw-araw may napapatay na pushers/users sa engkuwentro idagdag pa rito ang pag-salvage ng mga vigilantes na ikinakalat sa kalye. Halos 107,000 pushers/users na ang sumusuko sa buong bansa, tinatayang mahigit sa 400 na ang napapatay  kabilang na rito ang limang pulis kung kaya masasabi kong pilay na ang operasyon ng droga.  Ang masakit maging ang mga sumusuko ay nasasangkot pa rin sa pakikipag-engkuwentro sa mga pulis at ang ilan naman ay sina-salvage ng vigilantes kaya nananaghoy na ang mga kaanak ng mga biktima sa katarungan.

Ngunit sino nga ba ang kanilang sisisihin? Si President Duterte ba ang dapat nilang mapanagot sa kinahinatnan ng kanilang mga kaanak? Marahil nga puwede dahil noong nangangampanya pa lang si Duterte, ipina­ngako niya na uubusin ang drug lords, pushers/users at maging mga pulis na sangkot sa pagpalaganap ng droga na sumisira sa mamamayan. Kaya hindi na dapat pang magduda ang sambayanan sa naging hakbang ng mga pulis at vigilantes. Ito ang bunga ng kapabayaan ng mga nagdaang lider ng ating bansa na binabalikat nga­­yon ni Duterte. Subalit kung marami ang naninibugho kay Duterte aba’y tumaas naman ang rating nito na uma­bot sa 91% sa survey ng SWS.

Ito ang pinakamataas na rating na nakamit ni Duterte sa  lahat nang naging presidente, kasi nga, may isang salita siya at paninindigan. Malinaw na kumikilos ang PNP sa utos ng Presidente kung kaya wala silang dapat sinuhin sa pakikipagdigma laban sa droga. Siyempre naman kung makamandag ang laway ni Duterte tiyak na singtigas ng bakal ang kamao ni PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagkumpas sa lahat ng kanyang mga tauhan sa PNP. Kahapon ng madaling araw ipinakita ni Dela Rosa na hindi pa kinakalawang ang kanyang kamay na bakal nang mapatay nang magkasanib na puwersa ng PNP at PDEA ang tumatakas na Chinese big time drug lord na na si Meco Tan sa T. Santiago Street, Valenzuela City.

Mukhang taliwas ito sa binigkas ni Dela Rosa na “patayin ang drug lords, Kung ayaw lumaban, e di palabanin”. Masuwerte pa ang mga kasamahan ni Tan na buhay pa sila, subalit mukhang masasampol sila sa bitay dahil nandoon sila mismo sa bahay na laboratoryo ng magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ni Dela Rosa.  Ito kaya ang bunga ng pakikipagbalitaktakan ni Dela Rosa kina Peter Go, Jayvee Sebastian at Herbert Colangco sa NBP?  Mukhang nakuha na lahat ni Dela Rosa ang mga sekreto ng sindikato matapos na makausap ang mga Very Important Prisoner sa New Bilibid Prisons nang personal niyang pangasiwaan ang pag-take over ng PNP- Special Action Forces. Hawak na rin kasi ni Dela Rosa ang ilang pulis na tinaguriang ‘ninja’ kung kaya kilala na niya ang sindikato sa PNP. Kaya ang aabangan sa susunod na mga araw ay ang pagbulagta ng mga pulitiko na sangkot din sa pagpalaganap ng droga. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with