^

PSN Opinyon

No more ‘His Excellency’

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISANG matatawag na international protocol ang salitang “His Excellency” na ikinakabit sa titulo ng mga heads of states. Kahit ang mga embahador ay tinatawag na “His Excellency” dahil sila ang opisyal na kinatawan ng Presidente sa ibang bansa. Alter ego wika nga.

Pero para kay Presidente Rodrigo Roa Duterte, nagbigay siya ng opisyal na kautusan na ipinatatanggal na ang salitang “His Excellency” na kalimitang ginagamit kapag siya ay ipinakikilala bilang tagapagsalita sa ano mang opisyal na okasyon. Aalisin na rin ang katawagang ito sa mga opisyal na sulat na ipinadadala sa kanya. Tama na raw yung “President Rodrigo Roa Duterte.”

Pati ang katagang “Honorable” na ikinakabit sa titulo ng mga ibang opisyal sa pamahalaan ay ipinaaalis na rin.

Nakikita ko ang intensyon ni Duterte. Ayaw niyang ma­ging “mayabang” kahit inuukopahan niya ang pinakama­tayog na posisyon sa pamahalaan. Pero hindi ako pabor.

Ang katagang “His Excellency” ay patungkol sa posis­yon at hindi sa taong may hawak ng posisyon. Marahil, hindi pa lang gamay ng Pangulo ang matayog niyang katungkulan. Gaya nang nasabi ko, ito ay isang pamantayang sinusunod sa buong daigdig at sa mga opisyal na pagtitipon, iyan ang dapat maging tawagan ng lahat ng mga heads of states and governments.

Kaya nga kapag Pangulo ka na ng bansa ay may mga protocol na sinusunod kahit sa pananamit. Pero kakaiba ang Pangulo natin. Nakabarong nga pero naka-corduroy. Iyan kasi ang gusto niyang maging image. Isang imaheng lumelebel sa masa. Naalala ko tuloy si Erap sa kanyang mga pelikula na naka-amerikana pero naka-maong at ang sapatos ay converse. Pero nunka naman siya nagsuot nang ganoon nang siya ay Presidente na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with