^

PSN Opinyon

EDITORYAL - NBP: Shabu factory

Pilipino Star Ngayon

BILIBID or not. Sa isang tunnel sa New Bilibid Prison pala niluluto ang shabu kaya hindi mahuli ng mga awtoridad o talagang pinagtatakpan ng mga guwardiya roon. Ayon sa impormasyong nakuha ng Department of Justice (DOJ) may under­ground tunnel umano sa loob ng bilangguan at dito niluluto ang shabu. Naipapasok umano ang methampethamine hydrochloride (sangkap sa paggawa ng shabu) bilang tubig at nakalagay sa mga botelya. Kapag naipasok na ang mga botelya, pakukuluan ang tubig hanggang maging crystals. Presto! May shabu na sa NBP.

Sabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, 75 per cent ng illegal drug transactions ay nangyayari sa NBP. Iyon ang dahilan kaya may mga commu­nication gadgets, cell phones at iba pang device na nakukumpiska sa NBP. Mabilis umano ang transactions na nangyayari sa loob.

Nang magtalumpati si President Rodrigo Duterte sa kanyang inaugurasyon noong Hunyo 30, nabanggit niya ang tungkol sa nangyayaring drug transactions sa Bilibid. Niloloko aniya ng mga nasa loob ang gobyerno. Nagbanta siya sa mga sangkot na personalidad sa transactions ng droga. Binanggit din niya na papalitan ang mga jailguard sa NBP para maputol na ang nangyayaring drug transactions.

Noong Miyerkules, 320 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ang ipinalit sa mga corrupt na jailguard. Si PNP chief Director General Ronald dela Rosa ang mismong nagtalaga sa mga SAF.

Bago ang pagtatalaga sa SAF, maraming beses sinalakay ng Bucor officials at NBI ang mga dormitory. Maraming nakumpiska na kinabibilangan ng mga baril, patalim, appliances, sex toys, alak, pera at marami pang iba. Pero sa kabila na halos linggu-linggo ay sinasalakay, marami pa ring nakukuha sa loob. Parang nakikipaglokohan lang ang Bucor at NBI.

Ngayong SAF na ang guwardiya, inaasahang magkakaroon na ng pagbabago sa loob at higit sa lahat wala nang makakapagluto ng shabu at wala na ring mga hi-tech na gadgets. Ito ay kung hindi magniningas-kugon ang mga itinalaga sa NBP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with