^

PSN Opinyon

Parokya isali sa drug rehab

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI “salvaging” kundi rehabilitation ang solusyon sa drug addiction. Pero mahal ito. Karaniwang gastos sa rehab ng isang addict ay P1,000 kada araw. Kasama riyan ang board and lodging, gamot, counseling, kagamitan, at pasilidad. Mayaman man ang local government unit o pamilya, mabigat pa ring gastusin ang pag-rehab ng addicts. Tinatayang merong 3.5 milyong addicts sa bansa. Sa gastos na P1,000 sa bawat isa, kakailangan ng P3.5 bilyon kada araw para sa rehab. At ‘yan ay kung may sapat na dami ng rehab clinics para sabay-sabay silang magamot.

Malinaw na hindi kakayanin ng gobyerno at indibidwal na pamilya ang rehab. Kailangan ng tulong ng ibang institusyon ng lipunan. At ang pinaka-maaasahan sa tulong na ito ay ang mga parokya ng mga simbahang Katoliko at Protestante, religious centers ng Muslim, at mga templo ng Buddhist at iba pang relihiyon.

Napatunayan na sa kasaysayan at agham ng drug rehabilitation na tumatalab lang ito kapag spiritual ang pamamaraan. Ibinabalik sa isip ng addict ang dangal sa buhay at respeto sa sariling pagkatao. Pinatatatag ito ng pananampalataya sa Maylikha. Karanasan ito ng mata­tagumpay na rehab programs ng mga bansa, miski iba-iba ang mayoryang relihiyon: Kristiyano, Muslim, Buddhist, Taoist, o iba pa.

Maisasakatuparan ang malawakang drug rehab pro­gram kung sasanayin ang mga pari, imam, at lay leaders­. Magsasagawa sila ng mga seminars, discussion groups, at sharing sessions na obligadong daluhan ng mga naka-enrol na addicts. Gagawa sila ng sistema ng hikayatan at sunduan para matiyak ang attendance. Kapag malimit na absent ang addict, ibig sabihi’y hindi siya interesado, kaya dapat isuplong sa pulisya at korte, na magsasampa ng demanda at magpapakulong sa kanila.

Subukan sana ito ng mga pari at gobyerno sa ilang parokya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with