^

PSN Opinyon

Crony capitalism ‘lumala pa lalo’

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TALAMAK ang crony capitalism sa Pilipinas. Pero lumala pa ito nitong nakaraang dalawang taon. Ulat ‘yan ng Economist magazine tungkol sa mga negos­yanteng pinapaboran ng naghaharing partido politikal.

No. 1 na ang Russia, dating No. 2, sa malalaking ekonomiya kung saan iilang negosyante lang ang kino­kontrata ng ruling party. Salbahe kasi si President Vladimir Putin, na paulit-ulit binabalatuan ng malala­king proyekto ng gobyerno. Naging No. 2 naman ang dating No. 1, Malaysia. Salbahe din kasi si Prime Mi­nister Najib Razak, na bigay nang bigay ng mga bil­yong-dolyar na kontrata sa mga kapartido sa UMNO (United Malay National Organization).

Pangatlo sa mundo ang Pilipinas, lumala mula dating­ No. 5. Alam ng madla kung bakit. Iilang financiers lang ng naghaharing Liberal Party ang nakaka-kontrata. Garapalan ito sa railways, kung saan sila-sila lang ang kumo-corner ng bilyon-bilyong pisong maintenance ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3. Walang public bidding, puro closed-door negotiations lang, ang ginawa ni Transport Sec. at LP president Joseph Abaya.

Kadalasan tiwali ang mga kontrata ng crony capi­talists­, anang Economist. Pero miski na legal ito, masama pa rin ang epekto: iilang indibidwal lang, mga dati nang bil­yonaryo, ang lalong yumayaman. Samantala pahirap at pasakit ang idinudulot sa mamamayan. Aba’y maraming nasaktan sa malimit na aksidente sa commuter railways na nabulok dahil sa mga kontra­tistang LP. Hindi sila pinagamot ni Abaya. Nagkasakit ang mga pasahero sa kahihintay ng tren sa init ng araw at basa ng ulan, naaksaya ang gasolina sa binunsod na trapik, at nasuspindi sa trabaho at nasira ang negosyo dahil sa delays.

Nagtataka si President Noynoy Aquino kung bakit natalo ang kandidato niyang pang-Pangulo. Sinagot ng Economist kung bakit. Sawang-sawa na umano ang mga Pilipino sa ikinasira ng kabuhayan nila dahil sa crony capitalism.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with