^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala sa mga gahamang minero

Pilipino Star Ngayon

TUMATAK agad sa isipan nang marami ang mga sinabi ni incoming Environment secretary Gina Lopez, makaraang hirangin ni president-elect Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo, “I don’t like mining, the foreigners and the rich are the only ones benefitting from it but the farmers and the fishermen suffer.” 

Swak na swak ang kanyang sinabi at hindi na ito lingid sa mamamayan sapagkat ngayon ay marami nang tumututol sa pagmimina dahil sa kagagawan ng mga iresponsableng minero. Nasisira ang kapaligiran dahil sa ginagawang pagmimina. Hinu­hukay at binubutas ang mga bundok nang walang pakundangan. Wala silang pakialam kung mawasak man ang mga bundok. Ang mahalaga sa kanila ay mahukay ang inaasam nilang mina na magpapa­yaman sa kanila.

Wasak ang mga kabundukan sa Compostela Valley­ at Davao Oriental. Masahol pa sa sungkaan ang tuktok ng mga bundok doon dahil sa walang pakundangang pagmimina. Nang manalasa ang bagyong Pablo noong 2012, bumigay ang bundok. Napuno ng tubig ang mga butas at iyon ang naging dahilan para magkaroon ng landslides. Tinangay ng putik ang mga bahay kasama ang mga troso. Mahigit 300 katao ang namatay.

Noong Pebrero 17, 2006, naguho ang bundok sa St. Bernard, Southern Leyte at tinakpan ang isang barangay. Isang school na may mga bata at guro ang nalibing nang buhay. Ang pagmimina rin ang itinuturong dahilan nang pagkawasak ng bundok.

Noong Marso 24, 1996, sinira rin ng Marcopper Mining Company ang pinagkukunan ng ikinabu­buhay ng mga taga-Marinduque. Ang dating buhay na buhay na Boac River ay nalason at namatay dahil sa tailings. Ilan sa mga tao ang nagkasakit sa balat.

Inaasahang ang pagkakahirang kay Lopez sa DENR ang pipigil sa mga matatakaw na minero upang hindi masira ang kapaligiran. Inaasahan din na bibigyang solusyon ang mga basura ng Canada na itinapon sa bansa at walang ginawa ang Aquino government. At bibigyan ng ngipin ang Clean Air Act para hindi dekorasyon lamang. Maraming sumi­sira sa kalikasan at dapat silang papanagutin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with