^

PSN Opinyon

EDITORYAL - BuCor, unahing i-revamp

Pilipino Star Ngayon

ISA ang Bureau of Correction (BuCor) sa mga kagawaran ng gobyerno na nakalinyang i-revamp ni incoming President Rodrigo Duterte. Sa pag-upo niya sa Hunyo 30, 2016, agad umano niyang isasagawa ang massive revamp sa BuCor. Bukod sa BuCor, ire-revamp din ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ang massive revamp sa tatlong nabanggit na kagawaran ay inihayag ni Duterte sa isang press conference sa Davao City noong Huwebes. Mula sa taas, pababa ang revamp.

Mas maganda kung uunahin ni Duterte ang pag-revamp sa BuCor. Matagal nang may nangyayaring kababalaghan sa New Bilibid Prison at panahon  na para matigil ang mga kakatwang nangyayari rito. Kung magagawa ni Duterte ang ‘‘top to bottom’’ revamp sa BuCor, maraming masisiyahan.

Inutil ang mga nasa BuCor sapagkat sa kabila na nagkaroon na ng 34 na pagsalakay at paggalugad sa mga selda at kubol ng inmates, hindi maubus-ubos ang mga kontrabando. Imagine, inumpisahan ng BuCor ang paggalugad sa mga dormitoryo at kubol noon pang Nobyembre 2015 subalit hanggang ngayon, marami pang nakukumpiska at tila walang pagkaubos.

Laging nakasasamsam ng shabu, baril, pera, patalim, cell phone at iba’t ibang gadgets. Nakakumpiska rin ng alak, US dollars, money counting machine, sex toys at marami pang iba.

Walang saysay ang paggalugad sapagkat maaaring naititimbre na sa mga inmates ang pagsalakay kaya naitatago sa suwelo at iba pang taguan ang mga kontrabando. Parang nakikipaglaro lamang ang BuCor sa mga bilanggo sapagkat gagalugarin ngayon pero meron na namang ipapasok na kontrabando kasabwat ang ilang ‘‘corrupt’’ na jailguard.

Babala ni Duterte sa mga corrupt na jailguard, mag-empake na ang mga ito sapagkat ipadadala niya sa Iwahig Davao Penal Colony. Ang ilalagay daw niyang guwardiya ay mga sundalo.

Tama ang balak ni Duterte na i-revamp ang BuCor at ang ilagay na jailguard ay mga sundalo. Mas mapagkakatiwalaan ang mga sundalo kaysa mga jailguard na nasanay nang suhulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with