^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nire-recycle ng pulis ang drugs kaya hindi maubos

Pilipino Star Ngayon

KAHIT araw-araw ay may makumpiskang illegal drugs ang mga awtoridad, hindi pa rin ito mauubos sapagkat nire-recycled ng mga corrupt na pulis. Pagkaraang makumpiska ang mga shabu, kukunin ito ng mga pulis at kalahati lamang ang ide­deklara. Ang kalahati ay iuuuwi na ng mga pulis at sila na ang magbebenta. Ibabalik nila sa kalye ang mga nakumpiska at muling ibebenta.

Ayon sa report, mga pulis mula sa narcotic department o anti-illegal drug unit ang kadalasang nagre-recycle ng shabu. Hindi nga naman sila agad-agad mapapaghinalaan na nagtutulak ng droga dahil pulis sila na nasa anti-illegal drug department. Maaari nilang sabihin na ang mga shabu na makukuha sa kanila ay bahagi ng kanilang nasamsam sa raids. At hindi rin sila maaakusahang nagbebenta sapagkat ang perang kabayaran sa droga ay idina­daan sa ATM. Walang makikitang nagbayaran.

Halos ganito ang ginagawa ng isang bagitong pulis na nahulihan nang mahigit 100 gramo ng shabu sa magarang bahay nito sa Balic-Balic, Sampaloc, Manila noong Miyerkules. Bukod sa shabu, nakumpiska rin kay PO2 Jolly Allangan ng mga ahente ng National Bureau of  Investigation (NBI) ng matataas na kalibreng baril at perang umaabot sa P6 milyon na nasa vault. Arestado rin ang asawa at pinsan ni Allangan na tinangka pang i-flush sa inidoro ang shabu.

Kahit nahulihan ng shabu, sinabi ni Allangan na hindi siya nagbebenta ng shabu. Pero sabi ng NBI, matagal na nilang sinu-surveillance ang pulis hanggang sa makakuha ng warrant at sinalakay na ang magarang bahay. Ang may ranggong PO2 ay sumasahod umano ng P23,000. Pero sa ganda ng bahay at dalawang bagong sasakyan, imposibleng makabili nito ang pulis na may ganitong suweldo.

Paikut-ikot lamang ang shabu na nakukumpiska ng mga corrupt na pulis. Tiyak na marami pang kasama si PO2 Allangan sa pag-recycle ng shabu at tiyak din na may matataas pang ranggo. Ang mga ito ang dapat madakma at maitapon sa kulungan o mas maganda kung mabitay. Harinawang ibalik ang death penalty gaya nang pangako ni incoming president Rody Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with