^

PSN Opinyon

Di aatras si Grace

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUMAKALAT ngayon sa social media ang suhestyon na dapat umatras sa presidential bet si Grace Poe. Ang dahilan, para daw magwagi si Mar Roxas porke namama­yagpag sa rating ang isa pang katunggali na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Kung gagawin ni Grace ito, malamang nga na magwagi si Roxas dahil  si Poe ang may pinakamalakas na hatak sa ibang presidential bets maliban kay Duterte.

Sabagay, totoo na kung may gagawa ng ganito sa ibang presidentiables, malamang na malamang na ma­lampaso si Duterte. At iyan mismo ang suhestyon ko. Dapat may umatras at pagbigyan ang isang mas kara­patdapat. Para sa akin, ito ay si Grace Poe. Kaso alam kong suntok sa buwan iyan at walang papaya magsakripisyo matapos mapagod sa kampanya at gumastos ng milyones.

Sabi ng isang kaibigan ko, bakit hindi na lang si Mar ang umurong porke kahit anong gawin pagmamaniobra sa mga survey para lang umangat siya ay patuloy na isinusuka ng sambayanan dahil sa mga kapalpakan nito sa iba’t ibang ahensyang hinawakan niya? 

Hindi ba’t pinabulaanan ng mismong mga taga-call center­ agency na si Mar ang dahilan kung bakit lumaki ang industriyang ito?

Bukod diyan, hanggang ngayon ay nagtatanong ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda kung saan binitbit ng mga taga-administrasyon ang bilyun-bilyong mga donasyon para sa mga nasalanta. At hindi ba si Mar din ang sinasabing pumalpak sa pagpapatupad ng nararapat na hakbang upang mapanumbalik ang dating katayuan ng mga nasalanta ni Yolanda? 

Si Grace Poe ay ispesipikong bahagi ng ating lipunan na inaapi rin at pinababayaan, ang mga napulot at ampon at may tunay na malasakit sa bayan. Sabi ng barber kong si Gustin, kung gusto ni Mar na magpakabayani, dapat siya ang umatras gaya nang ginawa niya noong 2010. 

May mga  mungkahi pa na magsanib-pwersa sina Poe at Mar para talunin si Digong. Aysus, ginoo! Talagang desperado na ang mga chuwariwap ng administrasyon at kung anu-anong ka-eng-engan ang iminumungkahi.

Kung ako ang tatanungin, si Grace Poe lang ang makatatalo kay Digong dahil siya lang ang may kongkretong plano at matinong plataporma. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with