^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huling bigwas

Pilipino Star Ngayon

NGAYON ang huling araw ng kampanya ng mga kandidato bago tuluyang husgahan ng mamamayan sa Lunes. Todo na ngayong araw na ito ang mga maaanghang na salita laban sa kapwa kandidato. Wala nang makakapigil sa kanila para makipagbatuhan ng putik para makuha ang simpatya ng mamamayan. Ganito ang kalakaran ng pulitika sa bansa, Gagawin ang lahat ngayon para lang makakuha ng boto. Ito ang huli nilang bigwas bago makipagbanggaan sa pinakamatinding karera sa kanilang buhay.

Pero gaano man karami ang pananalitang bita­wan ngayon ng mga kandidato laban sa kani­­­lang katunggali, wala na ring epekto sapagkat may nabuo nang desisyon ang mamamayan kung sino ang kanilang iboboto. Gaano man karami ang ibatong putik sa kalaban, wala na ring epekto sa mamamayan sapagkat meron na silang napipisil na iboboto at maaaring wala nang maka­pagbabago pa roon. Hindi na sila maiimplu­wensiyahan pa kung anuman ang sabihin sa kanilang napipisil na kandidato.

Mas makakakuha pa marahil ng atensiyon sa mamamayan kung muling uulitin ng mga kandidato (mas lalo ang tumatakbong presidente) ang kanilang plataporma para sa ikabubuti ng mamamayan o ng buong bansa. Muling isa-isahin ang mga gagawin sakaling siya ang manalong presidente. Sabihin ang mga prayoridad sa gobyerno.

Kaysa ang mga sabihin ay ang kasamaan at kabuktutan ng kalaban, ang mga magaganda at kapaki-pakinabang na mga gagawin ang ilahad. Sabihin ito nang taus sa puso at walang halong kaplastikan o anumang pagkukunwari. Makikita ito ng mamamayan at maaaring magbago pa ang kanilang desisyon. Ibigay ang huling bigwas hindi para makasakit kundi para ipakilala pa ang sarili sa ninanais na tamang paglilingkod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with