^

PSN Opinyon

Pilipinas kulelat sa transpo, Internet

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NANGARAP na naman nang gising si Noynoy Aquino. Kesyo raw dinaig niya lahat ng naunang pangulo. Sus! Sa bigas pa lang, sablay na siya; nangako ng self-sufficiency ng bansa sa ani simula 2013. Pero nagka-shortage at sipa ng presyo sa dalawang magkasunod na taon. Nanatili ang karalitaan sa 27%, gaya nung 1981. Pero dumami ang bilang ng maralita kasabay ng populasyon. Sa ilalim lang ni P-Noy namatayan ng mahigit 6,500 katao sa isang bagyo; kinapos sa driver’s license at vehicle plates; at pagkalagas ng dose-dosenang sundalo at pulis sa engkuwentro sa separatista at terorista. Nung Abril nangarap din si P-Noy na magka-submarine ang bansa, bagay na 10 taon para magawa.

Pinakasablay si P-Noy sa transportasyon at komunikasyon. Batid ito ng 11 milyong overseas workers at 20 milyong Pilipino na nakapangibang-bansa na. Nakikita nila na bagama’t mas maunlad sa abroad at mas maraming de-kotse, magaan pa rin ang trapik. Doon kasi, maraming kalsada at mahigpit sa batas trapiko. Tuluy-tuloy ang paggawa ng highways sa America, Australia, Europe at central Asia. Sa China, Russia at India tuluy-tuloy ang paglatag ng riles ng tren sa libu-libong kilo­metro. Huwag nang lumayo: sa Hong Kong, Singapore, Korea, at Japan ay mainam at malimit ang biyahe ng metro rails.

Dagsa ang biyahe ng ferries sa mga arkipelago ng Indo­nesia, Japan, Canada, Sweden, at isla-isla sa Europe at Ame­rica. Samantalang sa Pilipinas, kakarag-karag ang iilang bumibiyaheng matatanda nang barko. Parating delayed ang flights ng airlines dahil sa runway congestion sa pangunahing airport na ipinangalan sa tatay ni P-Noy. Nanganganib pa ang pasaheros ng eroplano sa pangingikil ng airport security men sa tanim-bala at tanim-droga, at sa matagalang blackout.

Pinaka-mabagal ang Internet speed sa Pilipinas, kumpara sa Laos, Indonesia, Myanmar, Brunei, Malaysia, Cambodia, Vietnam, Thailand, China, US, Japan, Singapore.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with