^

PSN Opinyon

Mensahe ng Beijing

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI pinahintulutan ng China ang USS John C. Stennis, na bumisita sa Hong Kong. Unang beses daw nangyari ito mula 2014. Walang binigay na dahilan, pero tiyak may kinalaman ito sa kasalukuyang iringan ng dalawang bansa hinggil sa mga problema sa West Philippine Sea. Kailan lang ay dumalo si Defense Secretary Ashton Carter sa Pilipinas noong kasagsagan ng Balikatan 2016. Nagtungo rin siya sa nasabing aircraft carrier na nasa karagatan malapit sa bansa para bisitahin ang mga tauhan ng barko, at obserbahan ang mga ehersisyo. Hindi ito ikinatuwa ng China.

Malakas din ang tinig ni Carter sa pangako na tutulungan ng Amerika ang Pilipinas kapag kinailangan, sa kabila ng pana­nakot at pagpigil ng China sa mga barko at eroplano ng mga bansa sa rehiyon na lumayag at lumipad ng malaya sa mga kinikilalang international na karagatan at himpapawid. Nagsisigawa na nga ng joint patrols ang Amerika at Pilipinas sa karagatan, partikular sa Panatag Shoal. Nag-iwan ng dalawangdaan limampung sundalo at limang A-10 Thunderbolts sa bansa ang Amerika para dito. Kaya ang pangontra naman ng Beijing ay magtatayo na raw ng outpost sa nasabing Panatag Shoal, para malagyan na ng sundalo at kung ano pang mga sandata. Baka gumawa pa nga ng paliparan.

Malinaw ang mensahe ng Beijing sa Amerika, pati na rin sa buong mundo. Sa kanila ang karagatan, kahit ano pa ang sabihin ninoman, at handa silang ipaglaban o ipagtanggol ito. Ang pagtanggi ng China sa port call na gustong gawin sana ng mga barko ng Amerika sa Hong Kong, na karaniwang nagagawa naman noon ay senyales na ng tensyon sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa. Kapag lumabas na ang desisyon ng UN arbitration court at nataong pabor sa Pilipinas, mas lalong lalala ang tensyon.

Sa mga nagaganap ngayon, mahalaga ang may mga kaalyado. Dito nga dapat pumapasok ang samahan ng ASEAN. Pero dito rin pumapasok ang impluwensiya ng China sa ilang bansa. Mabilis nilang binibintang ang Amerika na nakikialam sa rehiyon, pero hindi nila nakikita na nakikialam rin sila sa ASEAN. Kaya bukod sa alam natin kung sino ang ating mga kaibigan at kaalyado, dapat nagkakaisa rin ang ASEAN sa isyu ng mga problema sa karagatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with