^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Agri dept. ilipat na sa NAIA

Pilipino Star Ngayon

HINDI na matapus-tapos ang “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Noong Sabado, isang 85-anyos na lola na patu­ngong Canada ang nahulihan na naman ng bala sa kanyang luggage makaraang idaan sa X-ray. Pero hindi katulad ng mga naunang nahulihan ng bala, pinayagan ng Office of Transportation Security (OTS) si Crisencia Pabustan na makaalis ng bansa. Hindi kinasuhan ang matanda.

Ayon sa OTS security screening officer, pinayagan nilang makaalis si Pabustan dahil sa humanita­rian considerations. Kasama ni Pabustan ang kanyang dalawang anak (babae at lalaki) nang makita sa X-ray machine ang bala ng caliber .45. Nag-histerikal ang anak na babae ni Pabustan sapagkat siya raw ang nag-empake ng baggage ng kanyang ina at wala raw itong bala. Paano raw nagkaroon ng bala ang luggage ng kanyang ina. Sabi naman ng anak na lalaki, “may madyik ba talaga rito sa airport?”

Hindi pa natatagalan, nahulihan din ng bala sa kanyang bagahe si Salvacion Cortabista, 75, nang idaan ang luggage nito sa huling X-ray scan. Si Salvacion, kasama ang kanyang asawang si Esteban ay patungong US para magpagamot. Sabi ni Esteban, naidaan na sa dalawang X-ray ang bagahe at nagtaka sila sapagkat sa ikatlong X-ray ay may nakita nang bala na. Aanhin daw nila ang bala? Hindi naman daw ito nakakain. Pati ang pamangkin ng mag-asawa ay nagsabing sinira raw ang kanilang pagkatao dahil sa “tanim-bala”.

At katulad din ng dati, wala namang reaksiyon ang namumuno sa NAIA kaugnay sa panibagong “tanim-bala”. Kahit sunud-sunod ang nangyaya­ring “tanim-bala” walang ginagawang aksiyon ang general manager ng MIAA para madakma ang mga nagtatanim ng bala. Balewala lang sa kanya kung batikusin nang batikusin dahil sa “tanim-bala’’.

May mga nagmumungkahi na bakit hindi na lang ilipat ang Department of Agriculture sa NAIA? Biro lang ito pero masasalamin ang lalim nang pagkadismaya sa nangyayaring “tanim-bala” sa NAIA na hindi kayang resolbahin ng mga namumuno.

Sabi ng Malacañang kamakailan, hindi raw nakapokus ang pamahalaan sa pagbalasa o pag-aalis sa puwesto ng namamahala sa airport. Mas pinagtutu­unan daw ng pansin ng pamahalaan ang kapakanan ng airline passengers sa tatlong terminals ng NAIA.

Dahil dito, huwag nang umasang malulutas pa ang ‘‘tanim-bala’’ sa NAIA. Hintayin na lang ang bagong Presidente kung…

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with