^

PSN Opinyon

Digong Duterte sumasadsad

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI pa ring Pilipino ang disente ang pag-iisip at hindi kukunsinti sa mga malalaswang namumutawi sa dila ng sino man. Noong una, medyo dismayado ako dahil sa ka­bila ng “rape joke” ni presidential bet Digong Duterte, tila hindi siya nawawalan ng suporta.

Pero sa pinakahuling survey ng Pulse Asia matapos ang kanyang umano’y pagbibiro na sana’y nauna siyang nan-rape sa magandang Australiana na biktima ng rape at pagpaslang, unti-unti palang nabawasan ang suporta ni Duterte lalu na sa Metro Manila.

Nakaapekto rin umano ang pagbubunyag ni vice presidential candidate Sonny Trillanes tungkol sa tagong kayamanan ni Duterte na umaabot sa mahigit na P200-milyon sa Julia Vargas branch ng BPI sa Pasig.

Nung una ay pinabulaanan ni Duterte ang alegasyon ni Trillanes at nagbanta pang maghahabla ng libelo sa Senador. Nalathala sa pahayagan ang account number ni Duterte at may isang enterprising na mamamahayag na nagdeposito ng P500 sa naturang account kaya nakumpirmang totoo. Kaya umamin din si Dutertye pero sinabing hindi P200 mil­yon kundi P17 libo lamang ang laman ng account.

Ngunit ngayong araw na ito ang “moment of truth” dahil magtatagpo si Trillanes at ang abogado ni Duterte sa natu­rang banko para buksan sa kanyang harapan ang sinasabing account.

Ngunit sabihin man na P17-libo lang ang laman ng account ni Digong at ng kanyang anak na si Inday Sara, ang nagbibigay ng bigat sa alegasyon ay ang pagpapasinu­ngaling ng meyor para aminin lamang kalaunan dahil nabistong totoo ito. Madaling ilipat sa ibang account ang pera at magtira ng kaunti. Kaya tama si Trillanes sa paghingi ng record ng activity ng account na ito upang makita ang paglabas-masok ng salapi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with