^

PSN Opinyon

‘Walang prinsipyo!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ELEKSYON ang ugat ng korapsiyon sa Pilipinas. Dito nagsisimula ang lahat ng negosasyon at pakikipagtawaran.

Marami sa mga ambisyosong pulitiko, walang prinsipyo. Kung mayroon mang konting prinsipyo ang mga hard core na trapo at partido, ibini-benta kasama ng kanilang adbokasiya.

Nakikipag-kompromiso sa mga ‘king maker’ o sa malalaking financiers at supporters sa ngalan ng bilyones na pondo. Lalo na ngayong isang linggo na lang bago ang halalan. Asahan na ang mas agresibo pang buhos ng bilyun-bilyong pondo sa nasyunal at lokal.

Sakaling manalo, hindi puwedeng isakripisyo ang kanilang mga financier. Bagkus, laging isasaalang-alang ang kanilang interes sa bawat gagawin nilang desisyon sa gob­yerno. Sa maikling salita, ang mga ibinoto nating mamumuno sa bansa, flower vase lang. Ang totoong magpapatakbo, ang kanilang mga niluluhuran at pinagkakautangang king makers.

Sa huling datos na inilabas ng Comelec, bilyones na ang nagagastos ng mga presidentiable at vice presidentiable sa kampanya. Ang tanong na ilap sagutin ng bawat ‘aplikanteng’ gustong mamuno sa atin, sino ang mga nasa likod nila at papaano sila makakabayad sa mga financier kung magkano lang naman ang sahod nila bilang public servant­ sakaling manalo?

Hindi matiyak kung itong mga king maker na ayaw lumutang at sadya talagang ayaw pangalanan ng mga pulitiko, naniniwala sa paninindigan at prinsipyo ng kanilang manok at partido. Ang matagal nang problema sa Pilipinas, walang umiiral na party system. Marami ang mga balimbing at nagtatalunang-bakod sa kagustuhan lang na mailuklok sa puwesto.

Nagsasama-sama lang tuwing eleksyon subalit hindi dahil sa kanilang pinaniniwalaan at prinsipyo bagkus kung ano ang pabor at konbenyente sa kanilang pagkapanalo. Tsk…tsk!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga episode at palabas, mag-subscribe sa Bitag official­ YouTube account.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with