^

PSN Opinyon

Ibalik ang tiwala

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUMILOS na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC). Nagsampa ng kaso laban sa Philrem, ang remitting company na nasasangkot sa money laundering ng $81 milyon na iligal na nakuha mula sa banko ng Bangladesh. Ayon sa AMLC, sadyang pinaikut-ikot ng Philrem ang pera na galing sa apat na pekeng account sa RCBC Jupiter branch sa iba’t ibang tao at kumpanya para hindi masundan ang kilos ng pera, na alam nila umano na iligal ang pinanggalingan.

Sa korte na lang malalaman ang lahat. Sa lahat ng pagdinig na ginawa sa Senado, ang Philrem ang may pinakamahinang kredibilidad, dahil sa hindi nagtutugmang paha­yag at testimonya, bukod sa hindi pagsunod sa mga hiling ng mga senador na ipaharap kaagad ang ilan nilang ta­uhan. Sa pagkaalam ko, may isa pang pagdinig sa Senado bago mag-eleksiyon. Kung ano na naman ang bagong gagawin, o hindi gagawin ng Philrem, malalaman sa araw na iyon. May mga bumitiw na raw sa trabaho kaya hindi nila mapaharap sa Senado, pero hindi ito tinanggap na dahilan ng mga senador.

Ang epekto ng krimen na ito sa bansa ay lumalawak. Ilang banko ng Pilipinas ang pinatitigil ang kani-kanilang mga remittance na programa ng ilang pinansiyal na insti­tusyon ng ibang bansa. Bunsod ito nang naganap na krimen­. Nawawalan ng tiwala ang mga institusyon na ito sa kaka­yanan ng bansa na patigilin ang money laundering. Kaya ang unang apektado ay mga OFW. Mas mahihirapan na silang magpadala ng pera sa pamilya. Magiging mas ma­hirap, mahal at mababa ang palit ng kanilang pera.

Kaya bukod sa mga kasong isasampa sa mga sangkot sa krimen, kailangang ipakita ng Pilipinas sa mundo na seryoso ang bansa kontra money laundering. At ang mala­king magagawa nito ay isali na ang mga casino sa nasabing batas. Malinaw na sa mga casino naglaho ang malalaking halagang pera, na baka hindi na marekober. Sang-ayon naman ang ilang casino na gawin na ito. Kung ganun din lang, baguhin na ang Anti-Money Laundering Law para saklaw­ na ang mga casino. Kailangang maibalik ang tiwala ng mundo sa sistemang pinansiyal ng bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with