^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagtuunan, kalagayan ng contractual workers

Pilipino Star Ngayon

KAPAG sumasapit ang Araw ng Paggawa, ang napagtutuunan lamang ng pansin ay ang ma­babang sahod ng mga manggagawa at ang di-makataong kondisyon sa kanilang pinagtatrabahuhan. Walang nababanggit ukol sa contrac­tualizaton. Dapat ang isyu namang ito ang buksan para mamulat ang mga may-ari ng estabilisi­mento sa kalagayan ng mga contractual nilang manggagawa.

Mahirap ang kalagayan ng contractual workers­. Pagkatapos ng kanilang limang buwang kontrata sa isang kompanya o establisimento, magha­hanap na naman sila ng ibang mapapasukan. Paano kung hindi agad sila makakita ng bagong pagkakakitaan? Maaari bang pigilin muna na huwag magrebelde sa gutom ang kanilang mga bituka? Maari bang hindi muna sila magbayad ng kanilang upa sa tinitirahang bahay o kaya ay huwag magbayad sa kuryente’t tubig? Hindi puwede. Kailangang kumita para may makain at ma­ipambayad sa mga pangangailangan.

Karamihan sa mga nagtatrabaho sa mall, department store at iba pang establisimento ay pawang mga contractual.

Ang contractualization policy ay pabor sa emplo­yer sapagkat hindi sila puwersadong mag-promote at magdadagdag ng umento sa kanilang mga manggagawa. Malaking katipiran kung pa­wang bagong hire. Nakalulusot din naman ang mga employer na huwag ipaghulog sa SSS at Philhealth ang kanilang mga manggagawa.

Ang contractualization ay ipinagbabawal alinsunod sa Security of Tenure­ clause ng Konstitus­yon.  Ipinagbabawal din ito sa Article 280 ng Labor Code na nagsasaad na kapag ang trabaho ng isang manggagawa ay “necessary” o “desirable” sa negosyo ng employer, siya ay itinuturing na  regular na empleyado.

Ngayong Araw ng Paggawa, pagtuunan ng pansin ang isyu sa contractualization. Tapusin na ang patakarang ito na pabor lang sa mga may-ari ng kompanya o establisimento. Maawa sa mga nag-aagam-agam na mga manggagawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with