^

PSN Opinyon

Outpost ng China sa Panatag Shoal?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG lalong sasama ang tensiyon sa karagatan. May plano raw ang China na magtayo ng outpost sa Scarborough Shoal, o ang tinawag nating Panatag Shoal. Ang Panatag Shoal ay 230 kilometro lamang ang layo mula sa Pilipinas, na saklaw ng ating Exclusive Economic Zone. Magmula 2012, binantayan na ng China nang husto ang nasabing lugar, matapos ang mainit na girian noong 2012. Lumabas na tayo ang umatras, kaya hindi na nila iniwan ang lugar. Magmula noon ay tinataboy sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ang ating mga mangingisda na karaniwang nangingisda sa lugar. Nawalan sila ng hanapbuhay habang walang humpay na nangisda at naghango ng halos lahat ng pwedeng makuha sa dagat, kahit mga tinawag na “endangered species”.

Kailan lang ay nagpahayag ang Pilipinas at Ame­rika na magpapatupad sila ng “joint patrols” sa nasabing bahagi ng karagatan. Kaya tila minamadali ng China na simulan na ang pagtayo ng outpost, na maaari pang lagyan ng paliparan. Malapit na rin kasi lumabas ang desisyon ng UN Arbitration Court sa inangat nating reklamo hinggil sa pag-aangkin ng China sa halos buong karagatan. Parang ang sinasabi nila na ay kapag may nakatayo nang mga istraktura, wala nang magagawa ang sinuman para angkinin pa. Wala ngang makapagsabi kung paano ipasusunod ang China sa magiging desisyon ng UN kung sakaling pabor sa atin.

Kung magiging tapat ang Amerika bilang kaalyado natin, pati na rin ang ibang mga bansa na nagbigay ng suporta sa atin tulad ng Japan at Australia, kikilos ba sila kung sakaling ipatupad ang outpost sa Panatag Shoal? Hindi ba puwedeng pigilin na bago masimulan? Maglilikha ba ang UN ng puwersa para patuparin ang desisyon? Kung magiging pabor nga sa atin ang desisyon ng UN, hindi ba sapat na kapangyarihan na iyan para pagbawalan ang anumang pagtatayo ng istraktura sa mga islang pinagtatalunan? O walang ngipin din ang desisyon na iyan? Kung matuloy ang pagtayo ng outpost sa Panatag Shoal, napakalapit na niyan sa teritoryo natin. Lahat na lang ng barko, eroplano ay sisitahin ng China. Kaya sa tingin ko ay hindi dapat payagan na makapag-umpisa ang China sa pinaplanong pagtatayo ng outpost, pati na rin ng paliparan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with