^

PSN Opinyon

Mahina na sa kasaysayan at kultura

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HUMINGI na ng paumanhin ang University of the East para sa ginawa ng isa sa kanilang estud­yanteng paglampaso ng sahig gamit ang bandila ng Pilipinas. Umani ng matinding batikos sa social media ang ginawang pambabastos sa bandila, tila patunay na ang kabataan ngayon ay halos walang respeto sa mga bagay katulad ng bandila. Nangako na iimbestigahan ang insidente ng UE at DepEd, at parurusahan ang estudyante kung mapatunayang sinadya ang pambabastos sa bandila. Baka raw kasi napilitang gawin ang pambabastos. Pero sa video, tila natatawa pa ang estudyante at mga kasama habang binabastos ang bandila. Sa totoo lang, may kriminal na pananagutan ang estudyante kung magiging mahigpit ang batas, ma­liban na lamang kung wala pa itong 15 anyos.

Sagrado ang bandila. Hindi dapat pinasasayad sa lupa, dahil simbolo ito ng pagbagsak ng bansa. May mga patakaran kapag luma na ang bandila. Hindi dapat itinatapon sa basurahan. May tamang paraan para i-dispose ang mga sirang bandila. Kaya kung ano ang ginawa ng estudyante ay patunay lamang sa kanyang pagiging ignorante sa kahalagahan ng bandila. 

Kung naging malaking isyu ang umano’y tamang pamamaraan sa pagkanta ng “Lupang Hinirang” ng ilang mang-aawit, sa tingin ko mas mabigat na isyu ito. Ilang kumanta ng pambansang awit ang binatikos, at binantaan pa ng kaso dahil sa maling pagkanta ng nasabing awit. Hindi raw puwede basta kantahin sa istilo ng gusto ng mang-aawit, dahil may opisyal na paraan.

Kailangang pag-aralan ang itinuturo sa kabataan ngayon. Nawawala na ba ang mga mahahalagang bagay ng kasaysayan at kultura. Katulad na lang ng pambabastos sa bandila, at ang pagtanong ng ilang kabataan kung bakit hindi tumayo si Apolinario Ma­bini sa pelikulang “Heneral Luna”. Alam ba nila ang mga naganap noong panahon ni Marcos at martial law? Alam ba nila ang istorya ng EDSA revolution? Alam ba nila ang kasaysayan ng Pilipinas, sa panahon ng Kastila, Amerikano at Hapones? O ang mahalaga lamang sa kanila ay malaya na sila at may smartphone para makapag-selfie at text?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with