^

PSN Opinyon

‘Mga langgam, ipis at daga’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

HIGH-TECH NA ANG MARAMING BAGAY, mabuti ito para sa maraming tao pero ang kaakibat nito ay high-tech na din ang ginagawang panloloko. Yan ang nakikita natin sa Facebook at sa iba pang ‘social networking site’.

Maliit na halaga ang puhunan pagkalipas ng ilang araw dodoble ito. Depende sa ilan ang mahatak mong sumali, mas madami mas malaki ang kita.

Pang-engganyo pa nila hindi daw ito modus o scam dahil magkakaibigan silang namamahala at hindi nila tatakbuhan ang isa-isa.

Noong nakaraang taon ay kumalat ang umano’y makabagong paraan ng paluwagan sa ‘social networking site’ partikular na sa Facebook (FB).

Marami na daw ang nakitang sumali ni Catherine del Valle kaya’t maging siya ay naengganyo na ding makiisa sa kanila.

“May kung anu-ano nang pangalan ang lumalabas sa FB. Ang sinalihan ko ay ang Magic100, TUC (Trust Us Cooperative) at PRJ ang pangalan,” sabi Catherine.

Ang kalakaran daw kasi nila sa ganitong paluwagan kapag may sumaling tatlo ay e-exit ang isa. Ilang libong katao na raw ang miyembro nito.

Taong 2015 pa lang ng nagsimula siyang maghulog ng pera para sa paluwagan na ito.

Ang sabi raw sa kanila magkakaibigan ang founder nito at hindi naman daw maitatakbo ang pera.

Dalawang pangalan ang hinulugan ng pera ni Catherine sa BDO. Isang nagngangalang Rose Ann Climaco at Allizon Marie Magat.

“Sa tatlong paluwagan na sinalihan ko umabot ng Php90,000 ang naibigay ko sa kanila. Wala naman akong natanggap na bayad o yung tinatawag nilang pag-exit,” pahayag ni Catherine.

Habang dumadaan ang mga buwan may nababalitaan na si Catherine na nagrereklamo sa mga administrator na hindi na sila kumikita.

Bawat araw na nagdadaan parami ng parami ang nagrereklamo sa kanila. May nagsasabi na iligal daw ang ginawa ng mga ito.

“Maraming paluwagan ang nagkalat sa Facebook pero ang iba hindi nahuhuli. May mga nahuhuli naman kapag matapang ang mga miyembro na magreklamo,” wika ni Catherine.

Kilala lang daw nila ang mga founder sa pangalan. Kahit minsan hindi man lang siya nakapag pay-out.

Nag follow-up si Catherine noong Agosto 2015 pa lang pero ayon sa mga namamahala nito ay wala pa raw siyang matatanggap na pera.

Ilan sa mga administrator ng ‘closed group’ nila sa FB ay puro alibi lang daw ang sinasabi sa kanilang mga miyembro.

Nagagalit na ang ilan sa kanila dahil sa puro pangako lang ang natatanggap ng mga miyembro nito.

“Yung isa naman hindi na nagpaparamdam sa ‘min. Lagi na lang sinasabi na naghahanap daw sila ng pang-refund. Ipinasok daw kasi nila sa ibang paluwagan. May binabanggit pa sila na itinakbo raw ang pera,” salaysay ni Catherine.

May naririnig din sila na ginamit na umano ng mga ‘founder’ ang pera sa pansarili nilang interes. Ang ilan ay nakapagpatayo na ng sariling bahay, nakapagsimula ng negosyo at nakabili ng sasakyan.

Lumalabas na ginagamit lang nila ang ibang tao para mas maging maganda ang kanilang buhay pero ilang tao naman ang niloko nila.

May ilan din sa dating naging administrator ng page ng paluwagan na humihingi ng refund kay Allizon Marie Magat dahil may naiwan daw kasing pondo rito.

May sinabi pa raw si Allizon na magkakaroon ng raffle sa sarili nitong bahay pero wala namang natupad sa mga pangako nito.

“Madami na ding miyembro ang nagpopost sa page para humingi ng update pero wala pa ding nakakapag-refund,” ayon kay Catherine.

Sa kopyang ibinigay sa amin ni Catherine sa ilang pag-uusap sa group nila sa Fb. May mga binlock at pinagsabihan pa daw ng hindi magaganda ng founder.

Nagpost naman dito si Anne Climaco na may trabaho na daw siya at magpost na lang ang mga mare-refund niya.

Hinamon naman ng ilang miyembro si Anne na ibigay ang kanyang kompletong address kung talagang hindi niya balak takbuhan ang mga miyembrong sinisingil ang pera nila.

Uunahin daw ang maliliit na halaga lang para hindi siya mabigatan.

Limang daang piso pataas ang sinisingil sa kanila ng mga miyembro.

“Ang gusto lang naman namin ay mabawi ang pera namin. Sila ang tumanggap kaya’t sila din dapat ang magbalik,” sabi ni Catherine.

Kung titingnan mong mabuti nakalagay naman sa deposit slip na ito’y para sa short term o long-term pay-in.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kaya dumadami ang mga ito dahil hindi natututukan, napapabayaan. Alam naman natin anumang pagkain na ilagay mo sa mesa kapag napabayaan dudumugin ng langgam ipis at daga dahil walang bumubugaw sa kanila.

Ito ba’y bumabagsak sa Anti Cyber Crime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) o ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)?

Pasok ba to sa Department of Trade and Industry (DTI)o dapat mamahala dito ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil ang isang lehitimong nagba-buy and sell dapat may record na nagbabayad siya ng buwis.

Marami tayong nakikita sa Fb, sari-saring pangalan ang gaganda ng mukha na hindi mo aakalain na manloloko yun pala hindi talaga sila yung mga taong yun. May sabit din sa tinatawag na ‘identity theft’ na gumagamit sila ng pagkatao ng iba.

Sa dulo nito napakahirap magtiwala sa taong hindi mo nakikita, nahahawakan at nakikilatis ang mga tinatawag na kanyang ‘body language’ o kung paano siya kumikilos kapag nakikipag usap sa atin.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with