^

PSN Opinyon

Balakid para sa may masasamang intensiyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY planong palitan ng mga konkretong barriers ang mga plastic orange barriers na nakalinya sa EDSA. Ito’y matapos araruhin ng isang pampublikong bus ang mga plastic na barriers habang nakikipagkarera umano sa isang bus. Kapag pinatupad ito, siguradong mas masisira ang sasakyan na bumangga sa mga barriers. Ang paliwanag ng mga gustong palitan ay mas magiging ma­ingat ang mga drayber dahil siguradong hindi sila mananalo sa mga konkretong barrier kapag binangga ito.

Pero may nagsasabi na mas peligroso naman para sa mga motorista, dahil kapag tinamaaan ay hindi na bibigay. Baka hindi rin mapansin kaagad dahil mas mababa daw. Kapag hindi na talaga maiwasan at mabilis ang takbo, ang buhay naman ng drayber ang nalalagay sa peligro. Maaaring lumipad pa ang sasakyan kapag natamaan ang konkretong barrier. Maraming raw bansa ang gumagamit ng plastic dahil mas ligtas, at bumibigay kapag tinamaan dahil tubig o buhangin lang ang laman.

Walang pagkakaiba ang argumentong ito sa mga bahay na naglalagay ng mga barbed wire sa kanilang mga bakuran, o kaya bakod na may kuryente. Nakakamatay na raw ang mga bagay na ito. Pero bakit aakyatin ang bakuran ng ibang maybahay? Ano ang pakay ng isang tao na umaakyat ng bakuran ng bahay kundi magnakaw o gumawa ng krimen? Kaya nga inilalagay ang mga ganyang bagay ay para magsilbing balakid sa mga may masasamang intensyon, hindi ba? Hindi ba ganun din ang mga konkretong barrier?

May argumento ang bawat panig. Ang kailangan talaga ay disiplina. Kapag may disiplina, kahit anong klaseng barrier pa ang ilagay diyan, hindi problema para sa mga drayber. Ang tanong, mas maraming disilpinadong drayber ba sa Metro Manila? Alam natin ang sagot diyan. Kaya siguro iniisip na gumamit na ng mga konkretong barrier ay dahil hindi talaga maituro ang dispilina sa maraming drayber. Mga drayber na wala namang karapatang magmaneho. Sa tindi ng trapik at dami ng sasakyan sa kalsada ngayon, hindi malayo ang aksidente. Halos araw-araw ay may balita ng aksidente sa kalsada, at kadalasan ay maiiwasan naman, kung may disiplina lamang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with