^

PSN Opinyon

Propesyonal na lisensiya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa nakunang video ng Joanna Jesh na bus na umararo sa mga plastic barriers sa EDSA, nalaman tuloy na ang nagmamaneho ng nasabing bus ay tatlong beses na palang bumagsak para makakuha ng professional na lisensiya na kinakailangan para makapagma­neho ng pampublikong sasakyan. Kung tatlong beses na pala bumagsak, hindi ba dapat suma­ilalim muli sa pagsasanay o seminar para siguraduhing may tamang kakayanang magmaneho ng pampublikong sasakyan?

Ito ang mahirap sa sistema natin sa bansa. Hindi nasasala ang mga hindi dapat nagmamaneho ng sasakyan. Ano ba ang ibig sabihin ng salitang “professional”? Dapat may sapat na kakayanan at magaling, hindi ba? Anong galing ang ipinakita ng drayber ng bus na bumangga sa mga barrier? Sa kanyang mga binanggit na dahilan, alam mong pilit na nagpapaliwanag na lang para hindi matanggalan ng lisensiya. Ga­ano kahirap ba ang bumagal kung may mabilis na bus na katabi, kung hindi naman daw siya nakikipagkarera?

Ang mga doktor at abogado, kapag hindi nakapasa ng kanilang mga board at BAR exams­ ng ilang beses, kailangang mag-refresher course muna bago makapag-exam muli. Ganun  din dapat para sa mga drayber, o kahit ano pang propesyon. Dentista, inhinyero, arkitekto, etc. Sa tingin ko nga dapat mas mahigpit para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan dahil mga pasahero ang dala nila. Kung malaman mo na tatlong beses na bumagsak sa eksaminasyon ang piloto ng sasakyang mong eroplano, kampante ka pa bang sumakay?

Sigurado ako maraming mga drayber sa kalsada ang nakakuha ng lisensiya sa maling pamamaraan. Mga may kilala dito o diyan, para hindi na kailangang kumuha ng exam na siguradong ibabagsak. Siguro itong drayber walang kilala, kaya napilitang kumuha ng exam ng tatlong beses. Dapat baguhin na ang sistema ng pagbigay ng lisensiya ng LTO, lalo na sa mga “professional” na drayber ng pampublikong sasakyan, maging bus, jeepney, taxi, tricyle, kuliglig at iba pa. Hindi puwede ang basta maru­nong lang umapak ng mga pedal at pihitin ang manibela. Kailangan marunong mag-isip, alam ang mga batas-trapiko at marunong magbasa ng mga karatula sa kalsada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with