^

PSN Opinyon

Ang blackeye ng administrasyon

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SI Neri Colmenares ang umakda sa bill na nagdaragdag sa SSS pension ng mga retiradong kawani ng pamahalaan ng P2 libong piso. Pasado na sana sa da­lawang Kamara pati na sa bicameral committee. Pero nang makarating sa Pangulong Aquino ay hinataw agad ng pre­sidential veto.

May tsansa pa sanang maging batas ito kung ang veto ng Pangulo ay ma-ooverride ng one third ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan pero ito’y hindi nangyari.

Mabilisang tinapos ng Kongreso ang sesyon nito nang hindi man lang binigyang pansin ang pag-override sa presidential veto. Balita ko ay napaiyak si Colmenares na tumatakbo sa pagka-Senador ng Galing at Puso Team nina presidential aspirant Grace Poe at vice Presidential aspirant Chiz Escudero.

Kaya ang sigaw ng milyun-milyong senior citizens na retirees pati na ng kanilang mga kaanak: “Napaka­walang-puso” ng administrasyong ito. Nakalusot sa Kongreso ang bill ni Colmenares dahil aprobado ng nakararaming mambabatas. Nasaan na yaong mga Kongresistang pumabor dito?

Mauubos daw ang pondo ng Social Security System dahil sa batas? Eh bakit milyones ang tinatanggap na sahod at benepisyo ng ahensyang ito na hindi tatakbo kung walang perang pinaghirapan ng mga miyembro?

Kaya nitong eleksyon, kitang-kita ang mga opisyal ng pamahalaan na may tunay na malasakit sa taumbayan lalu na yaong maliliit. Palagay ko, malaking “blackeye” ang pagkakabasura ng SSS pension sa ruling party na kulay dilaw. Malamang, hindi na papabor sa mga kandidato nito ang taumbayan  dahil sa impresyong magiging kawawa lang ang maliliit na mamamayan.

Mahalaga sa isang administrasyon ang pagkakaroon ng puso kaya, saan pa tayo?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with