^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kalbaryong dinaranas sa LTO hanggang kelan?

Pilipino Star Ngayon

HANGGANG ngayon, marami pa sa mga nag-renew ng lisensiya sa mga branches ng Land Transportation Office (LTO) noong Mayo ang hindi pa naibibigay ang kanilang licensed card. Sabi ng mga opisyal ng LTO sa mga nagpa-follow-up ng kanilang card, tumawag na lamang uli. Hindi pa raw alam kung kailan matatapos ang mga lisensiya.

Hanggang ngayon pa rin, marami sa mga plaka ng lumang sasakyan ang hindi rin naire-release ng mga branches ng LTO. Nagbayad ng P450 ang mga nag-renew ng rehistro subalit wala pa rin silang tiyak na petsa kung kailan ilalabas ang mga bagong plaka. May nagsabing baka abutan pa uli ng panibagong pagrerehistro bago mailabas ang mga plakang nabayaran na o maaaring sa susunod pa uling taon. Mayroong nagsabi na baka hindi na maibigay ang bagong plaka. Pero sa kabila na hindi maibigay sa oras ng LTO ang mga bagong plaka, patuloy pa rin sila sa pangungulekta ng P450. May nagsabi pang sa dami ng perang nakolekta sa pagpapalit ng plaka, kaya nang tumustos sa kandidatura ng tatakbo sa 2016 elections.

Dapat panghimasukan na ang nangyayaring kairesponsablehan sa LTO. Sobrang kalbaryo na ang tinatamasa ng mga nagmamay-ari ng sasakyan at pati na ang mga nag-aaplay ng driver’s licensed. Habang naghihintay sila kung kailan magkakaroon ng lisensiya at lalabas ang binayarang plaka, marami pang ginagawang pahirap ang LTO na nagdaragdag sa dinaranas na kalbaryo.

Kamakalawa ay may bago na namang kautusan ang LTO sa mga kukuha at magre-renew ng kanilang professional driver’s license. Kailangan munang kumuha ng police at NBI clearance ang mga aplikante. Ito raw ay para matiyak kung walang kaso ang nag-aaplay at nagre-renew ng lisensiya. Marami ang tumutol sa bagong kautusan ng LTO. Sa halip daw na ang pagkuha ng NBI at police clea-rance ng aplikante ang gawin ay tutukan na lang ang mga corrupt at mga fixer sa kanilang tanggapan.

Maraming ipinasusunod ang LTO sa mga kumukuha ng lisensiya subalit iresponsable naman sila sa pamamahagi nito. Hindi nila maideliber sa oras ang mga binayarang lisensiya at plaka. Kalbaryong walang katapusan ang dinaranas sa LTO.

vuukle comment

ANG

DAPAT

HABANG

HANGGANG

HINDI

ITO

KAILANGAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

MGA

PLAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with