^

PSN Opinyon

Husga sa ‘huling salita’ ni P-Noy

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG punto ang iginiit ni Pres. Noynoy Aquino bilang “huling salita” tungkol sa Mamasapano debacle, nang magtalumpati sa Philippine National Police Academy graduation nu’ng Huwebes, Marso 26:

(1) “Pinagbulaanan ako” sa detalyes ng planong pag­huli sa tatlong terorista sa atake sa madaling-araw; at

(2) “Dapit-hapon na nang sinabihan ako” na napalibutan ng mga separatistang Moro ang commandos, na 44 na ang patay sa oras na ‘yun.

Ito rin ang huling husga kay P-Noy:

• Nakakapagtaka na buong talumpati minsan lang binanggit ang mga separatista. Ito’y hindi para ibintang sa kanila ang pagmasaker sa 44, kundi sa pag-bulilyaso umano ng Special Action Force sa peace talks. Kaya dapat daw managot si SAF Dir. Getulio Napeñas.

• Hindi nabanggit ni minsan si suspendidong PNP chief Alan Purisima. Nabisto sa lahat ng inquiry na ang kaibigang ito ni P-Noy ang nagbulaan sa kanya. Wala nang keber noon si Purisima sa katotohanan, palibhasa suspendido nga. Kasalanan ito ni P-Noy: Ipinagkatiwala niya ang maselang misyon sa isang suspendido kaya walang “sense of duty.”

• Kung may sisisihin si P-Noy sa huling pagbalita ng krisis, ito’y si katoto ring Interior Sec. Mar Roxas, na kaaway ni Purisima. Cabinet-in-charge-sa-PNP, si Roxas ay kasama ni P-Noy sa Zamboanga City buong araw ng madugong Jan. 25. Sa unang testimonya sa Kongreso, ani Roxas 3 p.m. nang una niyang balitaan si P-Noy, at 5 p.m. nag-full briefing. Sa ikalawang testimonya, aniya 7 a.m. siya unang nag-ulat. Kung bakit siya pabagu-bago, usisain sana ni P-Noy. Baka may kinalaman ito sa mapait na pagkabatid ni Roxas na mula 2012 pa pala siya pinag­lihiman ni P-Noy ng commando plan, nu’ng hindi pa SAF chief ang paborito nila ngayong pagbintangan na Napeñas. Baka may kinalaman din ito sa “pagkalimot” umano ni Roxas ipaabot ang imbitasyon ng Board of Inquiry kay P-Noy. Pagkalimot, miski araw-araw headline at bukambibig ang Mamasapano.

vuukle comment

ACIRC

ALAN PURISIMA

ANG

ATILDE

BOARD OF INQUIRY

GETULIO NAPE

INTERIOR SEC

ITO

NOY

P-NOY

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with