^

PSN Opinyon

May tumututok ba sa China at ISIS?

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

TILA sa Mamasapano na lang nakatutok ang Armed Forces of the Philippines at ang sambayanang Pilipino.

Habang tuluy-tuloy ang ika nga “creep invasion” ng China sa West Philippine Sea, sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga permanent structure roon, ang ginagawa lamang natin ay parang cry baby na nagsusumbong sa United Nations.

Napapanahon na para ang Department of Foreign Affairs at Department of National Defense ay imbitahan ang mga bansang naghahayag din ng pagtutol sa mga aggresive behavior ng China -- tulad ng Japan, South Korea, Australia, India, Vietnam at ang Asean at USA -- na magtatag ng militay bases sa Palawan o Mindanao.

Dito lamang natin maka-counterbalance ang military might ng China.

Maliban sa military advantage, may economic advantage pa ito. Halimbawa, kapag may daang libong dayuhang sundalo rito sa Pilipinas, gagastos sila ng milyones na mga dolyares na makakadagdag sa GDP ng bansa. Ang mga dadalhin ding mga dolyares ng kanilang mga pamilya kapag sila ay bumibisita sa kanilang mga kamag-anakang sundalo ay hindi rin matatawaran.

Ang epekto niyan ay parang dollar remittances din ng OFWs sa ating ekonomiya.

Tungkol naman sa ISIS, di malayo kung pumapasok na sila ngayon sa Mindanao para umalalay sa kapwa nilang teroristang grupong BIFF. Sana natututukan itong mga possibilities na ito tungkol sa China at ISIS.

Wala man lang akong natunugan na nag-convene si P-Noy ng National Security Council para matalakay ang mga ito.

Baka magulat na lang ang Pilipinas kapag ang pu-wersa ng ISIS ay nasa Mindanao na at ang China naman ay lalong dumami ang mga permanent structures sa West Philippine Sea.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

MINDANAO

NATIONAL SECURITY COUNCIL

PILIPINAS

SOUTH KOREA

UNITED NATIONS

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with