^

PSN Opinyon

Ganito na ba ang kalakaran?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAGING sa malaking bilangguan tulad ng New Bilibid Prison, o maliit tulad ng PNP Custodial Center, ganito si­guro talaga ang kalakaran. Kapag VIP, maimpluwensiya o mayaman ang binabantayang bilanggo, pumapalso ang mga bantay sa kanilang tungkulin at pagpapatupad ng mga reglamento. Hindi naitago ni DILG Sec. Roxas ang kanyang pagkadismaya sa mga opisyal ng PNP Headquarters Support Service(HSS), dahil sa lumabas na larawan kung saan nakunan si Sen. Bong Revilla na nasa loob ng kwarto ni Sen. Juan Ponce Enrile noong kaarawan niya. Ang dalawang senador ay kasalukuyang naka-detine sa kasong pandarambong, kaugnay sa PDAF scam ni Janet Lim Napoles. Pero magkaibang lugar ang kanilang kinalalagyan. Si Revilla ay nasa custodial center habang si Enrile ay nasa ospital. Kaya para makunan si Revilla na nasa loob ng silid ni Enrile ay tila patunay na pinayagan ng kanyang mga bantay na makadalo sa “selebrasyon”.

Pinakita ni Roxas na hindi katanggap-tanggap ang paliwanag na “nagkataon at nagtagpo” lang daw sila. Nagreklamo ng mga sakit umano sa katawan at ulo si Revilla, kaya dinala sa ospital para maeksamin ng doktor. Pero wala namang nakitang problema. Malamang ang tunay na pakay ay makadalo sa silid ni Enrile, at nakunan nga siya doon. Magagawa lang niya ito kung pinabayaan na lang siya ng kanyang mga bantay. Sa katunayan ay bawal itong gawin ng mga naka-detine sa nasabing lugar sa Camp Crame. Dahil dito, sinibak ang hepe ng HSS at ilang mga opisyal. Malaking kahihiyan daw ito sa PNP, sa kabila ng paghirang naman ang kagitingan ng 44 SAF commandos na napatay sa Mamasapano.

Bistado na ang “VIP treatment” na natatanggap ng mga mayaman at maimpluwensiyang mga bilanggo sa NBP. Malinaw na may “VIP treatment” na rin sa PNP Custodial Center. Hindi ako magtataka kung sa lahat ng kulungan natin ay may nagaganap na “VIP treatment” para sa mga mayayamang bilanggo. Isa itong sakit na dapat gamutin. Panahon ng mga bayani ngayon. Walang lugar para sa mga ganitong klaseng opisyal ng PNP. Kung may mga nagbibigay ng kanilang buhay para sa bayan, gaano ba kahirap ang tapat na  magbantay ng bilanggo?

vuukle comment

BONG REVILLA

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

ENRILE

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

JANET LIM NAPOLES

JUAN PONCE ENRILE

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with