^

PSN Opinyon

Malas na Martes

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NATUYUAN ba kayo ng dugo sa kalsada noong Martes? Ako kasi oo. Napakatindi ng trapik, na tila kahit saan ka magtungo, siguradong barado ang madadaanan mo. Ayon sa MMDA, may dahilan sa naganap na impyerno. Sunod-sunod na mga aksidente at sirang sasakyan na nagsimula ng alas kuwatro ng umaga sa Ortigas Avenue ang naganap.

May banggaan, at may mga sasakyang tumirik dahil nawalan umano ng gasolina. Bakit ka naman bibiyahe nang walang gasolina? Kung mga sasakyan ng kumpanya naman ito, hindi ba’t may mga budget naman sila para sa gasolina? Ngayon pa sila mauubusan ng gasolina kung kailan mura na nga kumpara sa mga nakaraang buwan. At bakit hindi natatanggal kaagad ng mga umiikot na tow truck ang mga tumitirik na sasakyan? Malas ang araw ng Martes na iyon.

Parang nagkaroon ng chain reaction sa kalsada dahil sa mga naganap na aksidente. Dito makikita na kulang na kulang na talaga ang mga kalsada natin sa Metro Manila. Kapag bumara ang ilan, wala nang malulusutan. At hindi talaga nawawalan ng mga drayber na sa totoo lang ay walang karapatang magmaneho ng sasakyan. Maiiwasan ang mga aksidente, kung maingat at may sentido komon lang ang ilang mga drayber diyan.

May naaaksidente dahil nakakatulog habang nagmamaneho. May naaaksidente dahil nagte-text habang umaandar ang sasakyan. May mga nagmamadali naman kahit mabagal na ang takbo ng trapik. Hanggang ngayon, marami pang mga nagpipilit sa counterflow. Sa mga naganap na aksidente noong Martes, lahat maiiwasan sana.

May ilang buwan pang magtitiis ang lahat sa trapik sa Metro Manila, hanggang sa magbakasyon na ang mga paaralan. Sana naman, kung may mga gagawing proyekto sa kalsada, gawin na habang walang pasok, at hindi kapag pumasok na ang tag-ulan at nagsimula muli ang klase. Hindi ko alam kung bakit mas maraming proyekto sa kalsada kapag tag-ulan na.

At kung matutuloy ay mga brownout itong mga darating na buwan, dahil sa umano’y kakulangan ng kuryente sa Luzon, ano na ang magiging sitwasyon sa kalsada? May mga nakahandang plano na ba ang MMDA kung sakaling mangyari na ang kinatatakutang mga brownout? Ngayon pa lang ay pag-aralan na. Sa panahon ng tag-init, mas maikli ang pasensya ng lahat sa kalsada.

vuukle comment

AYON

BAKIT

DITO

HANGGANG

KALSADA

KUNG

METRO MANILA

NGAYON

ORTIGAS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with