^

PSN Opinyon

May sasagot ba?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SUMISIGAW ng hustisya ang mga kapamilya ng mga napaslang na PNP-SAF sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo. Unti-unti na rin kasing lumalabas ang mga salaysay kung ano ang nangyari, lalo na sa kamay ng mga MILF na pumatay sa kanila. Isang isyu nga ang pagmaltrato umano sa kanilang mga bangkay kung saan pinagsisisipa ang kanilang mga ulo. Marami sa mga sundalo ang wala nang suot na uniporme. May mga salaysay pa mula sa mga lokal na residente na nasaksihan nila ang ilang sugatan na SAF na binaril na lang imbis na tulungan. Mga cell phone na kinuha ng mga rebelde, kung saan ginamit pa ng iba para tawagan o magpadala ng text sa mga asawa o kamag-anak na patay na ang may-ari ng cell phone. Lahat ito nagsisilbing gatong lamang sa hinagpis ng mga namatayang pamilya.

Kung totoo nga ang lahat ng salaysay, bakit kailangang gawin ito? At bakit kailangang gawin ito sa panahon ng tigil-putukan, sa lakas ng kasunduan para sa pangmatagalang kapayapaan? Ayon sa MILF, ipinagtanggol lamang ng MILF ang kanilang sarili. Kung sugatan na, ano pa ang magagawa ng pulis sa kanila? Ito ang mga kailangang sagutin nang maayos ng MILF. Inamin ng gobyerno na nagkulang ng koordinasyon sa pagitan ng SAF at ng MILF. Pero sapat na dahilan ba iyan para sa mga ginawang kalupitan? At ano ang aaminin ng MILF?

Magkakaroon ng talakayan sa Malaysia hinggil sa pagbuwag ng mga armadong grupo ng MILF, pati na ang pagsuko ng kanilang mga armas. Sana noon paito ginawa. Pero ang pagkakaalam nga ay saklaw ng kasunduan ang pagsuko ng mga armas. Malinaw na hindi ito nagawa sa Maguindanao. Baka naman ayaw isuko ang mga armas at nasanay nang may kapangyarihan na dulot ng baril. Baka pakiramdam ay nakahubad sila kapag wala nang baril.

Sana naman magdulot nang magandang resulta ang usapin sa Malaysia. At sana ay ipatupad kaagad. Isa sa kanunduan ay iisa lang dapat ang pulisya sa bansa, ang PNP. Ginagawa nila ang kanilang tungkulin nang pagbabarilin sila ng mga MILF, at baka BIFF pa. Dito nga lang marami nang tanong na tila walang gustong sumagot. Ano ang ginagawa ng BIFF sa lugar na kontrolado ng MILF? May sasagot ba, o iiwasan na lang ang tanong?

vuukle comment

ANO

AYON

DITO

GINAGAWA

MAGUINDANAO

MILF

NANG

PERO

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with