^

PSN Opinyon

Nasa MILF ang bola

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA na si President  Aquino sa naganap na madugong engkuwentro sa pagitan ng mga miyembro ng PNP Special Action Force at MILF sa Mamasapano, Maguindanao noong Sabado at Linggo. Ayon sa opisyal na tala ng gobyerno, 44 ang napatay na pulis, at ilan pa ang nasugatan. Sa kanyang pahayag, inamin niya na may pagkukulang sa koordinasyon sa pagitan ng SAF at ng MILF.

Ang misyon ng mga PNP-SAF ay arestuhin ang mga teroristang na sina Zulfiki bin Hir alyas “Marwan”, at si Basit Usman, mga kilalang taga-gawa ng mga bombang ginagamit sa terorismo. Nang magkaroon ng putukan dahil nahanap na si Marwan, umatras na ang mga pulis dahil hindi na nila masosorpresa si Usman. Dito na umano nagkagulatan ang mga SAF at MILF, sa loob ng teritoryo na kontrolado umano ng MILF. Dito na rin maraming nagtatanong. Pati ang Presidente ay hindi pa alam ang lahat ng pangyayari, dahil nagsimula pa lang ang imbistigasyon sa insidente.

Kailangan malaman kung bakit kailangang magkaroon ng putukan, kung may nilagdaan nang kasunduan para sa pangmatagalang kapayapaan. At bakit armado pa nang husto ang MILF, kung saklaw ng kasunduan ay bubuwagin na ang mga armadong grupo at isusuko na ang kanilang mga armas? Inamin na ng panig ng gobyerno ang kanilang pagkukulang. Sana naman aminin din ng MILF na nagkamali rin ang kanilang mga puwersa. Na maiiwasan sana ang pagdanak ng dugo, kung nagkaroon lang ng pag-uusap. Na hindi kailangang bastusin ang kanilang mga bangkay. Na dapat mabigyan ng hustisya ang mga pulis. Nasa kanila na ang bola.

Hindi rin nakakatulong sa panig ng MILF ang malinaw na pagwalang-galang sa mga bangkay ng mga napatay na pulis, tulad ng paghubad ng kanilang uniporme at pagnakaw ng kanilang personal na kagamitan. Ayon sa mga nakasaksi ng labanan, pinag-aapakan pa raw ang mga ulo ng patay na sundalo, at pinagbabaril din ang mga sugatan para siguraduhing patay. Ganyan ba ang mga nag-uusap na para sa kapayapaan? O talagang likas sa mga MILF ang ganyang klaseng kaugalian? 

Nilinaw rin ni Aquino na hindi kinailangan ang kanyang “go-signal”para sa operasyon dahil 2002 pa lang ay may warrant of arrest na si Marwan. Sa madaling salita, kapag may pagkakataong maaresto sila, kikilos kaagad. Kaya ginagampanan lang ng mga pulis ang kanilang tungkulin bilang alagad ng batas. Pinatutupad ang standing warrant of arrest.

Malinaw naman na kaila­ngang isulong ang usaping kapayapaan. Pero hindi maiiwasan ang mga malalakas na damdamin ngayon dahil sa ginawa sa mga pulis ng MILF. Kailangang magpaliwanag din ang MILF. Kaila­ngang malaman kung bakit ganyan ang kanilang reaksyon sa mga pulis na ginagampanan lamang ang kanilang tungkulin. Pati na rin ang mga ulat na may nakisali pang mga BIFF. May basbas ba sila mula sa MILF? Marami na ang nagdududa sa katapatan ng MILF. Kung talagang susunod sila sa mga kasunduan, tulad ng pagbuwag ng mga armadong grupo at pagsuko ng mga armas. Masisisi ba sila, lalo na mga kapamilya ng mga napatay? Nananawagan ang magkabilang panig na maging mahinahon.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BASIT USMAN

DITO

KANILANG

MARWAN

MILF

PATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with