^

PSN Opinyon

Masasamang kaugalian

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALAPIT nang matapos ang taon, kaya nandiyan na naman ang mga pangako o “resolutions” na madalas ipinapa-ngako kapag nagbabagong taon. Pero alam naman natin na karamihan sa mga pangakong iyan ay hindi natutupad. Sa katunayan, may kaugalian tayong mga Pilipino na hindi talaga mabago. Mga masasamang kaugalian na tila sa kapaskuhan lumalabas.

Maraming pamilya ang nagtutungo sa Luneta at Quezon memorial Circle tuwing Pasko. Walang masyadong gastos, maganda ang tanawin, tahimik at maayos ang lugar. Ngunit nagbabago ang anyo ng lugar na ito pagkatapos ng Pasko. Nagkalat ang mga basura kung saan-saan --- plastic bags, styro, mga hindi naubos na pagkain, bote ng tubig at iba pa. Pati ang fountain ay tinapunan din ng basura.

Napakahirap siguro ang maglagay ng basura sa plastic bag, para itapon na lang sa tamang lugar kapag pauwi na. Wala sigurong oras para gawin iyon. Nandiyan naman ang mga maglilinis kaya bakit sila pa ang magtatapon ng basura? Ganito ang pag-iisip at kaugalian na sana ay nawawala tuwing Bagong Taon. Pero tulad ng lahat ng pangako, hindi rin matutupad. Hindi natin magaya ang mga Hapones na naglinis ng kanilang mga basura matapos manood sa katatapos na World Cup. Maunlad sila, dahil may disiplina.

Isa pang kaugalian na hindi matanggal-tanggal ay ang pagpapaputok. Ayon sa DOH, halos 30 na ang nasasaktan dahil sa mga paputok. Karamihan ay mga bata. Bigo ba ang mga mensahe ng gobyerno hinggil sa paputok? Wala bang epekto ang mga imahe ng mga nabulag, mga naputukang daliri, mga sunog na balat sa TV? At ilang araw pa bago mag-Bagong Taon. Ganun ba kahirap intindihin ang peligro ng paputok? Sa tingin ko ay hindi bigo ang gobyerno sa pagkalat ng impormasyon hinggil sa mga peligro ng paputok. Bigo ang mga magulang ng mga batang nasasaktan dahil sa paputok. Hindi nila sinaway, hindi nila binantayan. Para sa mga matatanda naman na nasasaktan din, wala na akong masasabing maganda. Alam na nila dapat ‘yan. Hihintayin na lang natin ang huling tala sa unang linggo ng Enero.

vuukle comment

ALAM

AYON

BAGONG TAON

BIGO

PASKO

PERO

WALA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with