^

PSN Opinyon

Papogi lang!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON nilagyan ng masking tapes ang nguso ng mga baril ng pulis sa Metro Manila, para masigurong hindi basta-bastang magagamit o maipapaputok ng pulis sa pagsalubong  sa Pasko. Ang masakit lipana pa rin ang mga loose fire arms na tangan ng mga kilabot na gun holder na makakati ang daliri sa gatilyo, hehehe! Tama lamang itong aksyon ni Acting PNP chief Leonardo Espina  dahil kung inyong matatandaan na noong nakaraang Pasko at Bagong taon ay isang damukal ang tinamaan ng bala na mapahanggang ngayon ay wala ni-isa man lamang ang natukoy. Dito masusubukan ang galing ni Espina dahil karamihan sa mga pulis ay may sangkaterbang baril na naka-imbak bukod diyan ang isyu ng Philippine National Police.

Subalit huwag silang pasisiguro dahil ang pagiging Spokesman ni Espina sa PNP at pagiging NCRPO chief  noon ay matinding  karanasan ito upang maingganyo ang mga sibilyan na magsumbong. Dahil sa ngayon aktibo na ang kapulisan sa pagpapatrulya sa kalye at maging sa mga prisinto ay palaging alerto hindi na tayo mahihirapan na magsumbong  kung sino ang nagpapaputok ng baril. Ang mabuti lamang nating gawin ay ipagbigay alam agad ito sa pinakamalapit na istasyon ng pulis upang agad na maaksyunan. Huwag na tayong magbingi-bingihan mga suki, dahil ang patuloy nating pagiging pipi at bingi sa ating kapaligiran ay nagdudulot ito ng kapahamakan ng kapwa.

Kaya mga suki, tulungan natin si Espina sa paglam-bat sa mga abusadong gun holder ng tuluyan na silang malipol. Samantala marami ang napangiwi sa pagkasibak sa ilang opisyales ng Bureau of Correction sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Kasi nga bakit iilan lamang ang inalis ni DOJ Secretary Leila de Lima  gayon malinaw na ang pruweba sa kanyang nakita ng personal niyang pangunahan ang National Bureau of Investigation nang salakayin ang maximum security compound.  Malabo pa ba ang ang mata ni de Lima  sa nakitang limpak-limpak na datung, mamahaling alahas, sex toys Jacuzzi, wi-fi at electronic devices sa loob ng mga kubol ng 20 Very Important Persons. Malinaw na tumabo na ang lahat ng mga taga-BuCor mula sa Director hanggang sa pinakamababang rango ng jailer. Di ba mga suki!

At noong Beyernes nga muli na naman tumaas ang kanyang alta presyon nang matuklasan ang mga electronic devices and gadgets ay naitago pa muli ng ilang galamay ng mga VIPs sa mga makikipot na kubol ay maging sa kisame. Maliwanag pa sikat ng araw na wala ng puwang itong mga taga-BuCor na manatili pa sa NBP compound kung ang babatayan ay ang natuklasan sa mga kubol ng mga VIPs. Kaya tuloy nagdududa itong aking mga kausap na ningas cogon lamang itong ipinakitang gilas ni De Lima at ang pagsibak sa tatlong opisyales ng BuCor ay pa-pogi point lamang. May katwiran itong aking mga nakausap dahil matagal nang kalakaran iyan sa loob ng NBP at ang pagkatuklas ay nararapat lamang na walisin na lahat ng kasapi ng BuCor. Naging milking cow na kasi ng mga taga-BuCor ang mga big time personalities diyan sa maximum compound. Abangan!

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTION

DE LIMA

ESPINA

KAYA

LAMANG

LEONARDO ESPINA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with