^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Dapat bumuo nang permanenteng ahensiya

Pilipino Star Ngayon

NGAYONG nag-quit na si dating senador Panfilo Lacson bilang presidential assistant on reco-very and rehabilitation sa mga lugar na pinin­sala ng Supertyphoon “Yolanda” dapat nang bumu­o ang gobyerno nang isang permanenteng ahensiya o tanggapan na mangangasiwa sa mga pinin­sala ng bagyo, lindol at iba pang kalamidad na tuma­tama sa bansa. Hindi dapat ipagwalambahala ang pag-quit ni Lacson sapagkat mahalaga ang kanyang posisyon na tumitingin at namamahala sa mga pininsala ng bagyo at iba pang kalamidad. Kapag walang namahala sa rehabilitasyon, tiyak na lalong magiging kawawa ang mga biktima ng kala­midad. Tulad ngayon na hindi pa nga lubusang nakababangon ang mga biktima ng “Yolanda”. At lalo pa ngang tumindi ang kalbaryo ng “Yolanda” victims sapagkat kamakailan, muli silang tinamaan ng Bagyong “Ruby”. Mabuti at nakapaghanda ang mga tao kaya kaunti lang ang mga napinsala.

Hindi dapat ipasa sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pamamahala sa mga nasalanta ng bagyo sapagkat baka lalo lamang walang mangyari sapagkat marami ring binabalikat ang nabanggit na tanggapan. Hindi rin naman kakayanin ng NDRRMC ang pagsasaayos o rehabilitasyon ng mga pininsalang lugar. Kung may solong tanggapan na mamamahala sa rehabilitasyon, tiyak na mapapabilis ang pagbangon ng mga nabiktima ng kalamidad.

Sa kalagitnaan pa ng Pebrero 2015 magka-kabisa ang pagbibitiw ni Lacson kaya sana bago siya tuluyang lumisan ay mayroon nang nabuong bagong tanggapan si President Aquino. Hindi naman magiging mahirap kung gagawa siya ng kautusan na magki-create ng bagong tanggapan para sa magsasaayos o rehabilitasyon ng mga napinsalang lugar.

Kailangan ang “rehabilitation czar” sapagkat ang bansang ito ay lagi nang hinahampas ng mga bagyo at niyayanig ng lindol. Taun-taon, dumada-nas ang bansa ng mga matitinding kalamidad kaya dapat mayroong tanggapan na mangangasiwa sa mga mapipinsala. Paglaanan ito ng pondo para masigurong madaling makababangon ang mga biktima at maisasaayos ang lugar na tinamaan ng delubyo.

vuukle comment

BAGYONG

KAILANGAN

KAPAG

LACSON

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PANFILO LACSON

PRESIDENT AQUINO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with