^

PSN Opinyon

Pemberton versus us

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SA Ulo ng Apo nangyari ang pagpatay sa transgender na si Jaime Laude ni US of A Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton kaya naman naggagalaiti sa galit ang madlang pinoy dahil sa pangyayari.

Tanong - ano ang isyu?

Sagot - gusto kasi ng pamilya at siempre ng ilang Pinoy na makulong sa ordinaryong city jail si Pemberton dahil may warrant of arrest na ang korte sa inakusahan kaya ang sinasabing hurisdiksyon ng case problem ay nasa Philippines my Philippines authorities at dehins sa US of A.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, si Pemberton ay naka-lungga ngayon sa isang aircondtioned 40 footer container van na nakatirik sa loob ng Armed Forces of the Philippines dyan sa Camp Aguinaldo, Kyusi, kaya naman umaalma at nagtititili rito ang pamilya, abogado, kaibigan at iba pang pinoy kung bakit binigyan pa ng VIP treatment ang accused kaya tuloy lawit ang dila ng mga tumitili sa galit. Hehehe!

Ipinunto nang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung dehins maghihimas ng rehas sa isang ordinary city jail si Pemberton gaya ng isinisigaw ng madlang people may diskriminasyon sa madlang Pinoy pabor sa isang foreigner?

Sabi nga, kung ano ang batas sa Philippines my Philippines dapat ito ang ihataw este mali ipataw pala kay Pemberton!

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISIMO, may Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Philippines my Philippines at ng US of A kaya ito raw ang dapat sundin ang mga batas na napagkasunduan kaya kahit na anong tili ang gawin nang mga naggagalaiting madlang people laban kay Pemberton ay alaws silang magagawa.

Ika nga, ayaw nang ibang bright na masira ang VFA ng Philippines my Philippines at US of A.

Bakit?

“Mas malaki ang mapapakinabangan at maitutulong ng US of A sa Philippines my Philippines?’ sabi ng kuwagong amuyong.

‘Ano ang dapat gawin?’

“Antayin ang decision making ng Korte!’

Abangan.

 

Hindi biro ang kuarta sa bilibid

 

NANINIWALA ang mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, na malaki ang pakinabang ng mga bugok na opisyal dyan sa New Bilibid Prison sa mga mayayamang bilanggo kaya ‘very spoiled’ sila sa mga ito.

Bakit?

Sagot - dahil sa kuwarta?

‘Siguro!’

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, kung paano nakapasok sa loob ng bilibid ang mga high powered firearm at bakit mayroon nito sa loob ng bilangguan may giyera ba dito laban sa mga prisoner o sa mga bantay na ayaw makipagsabwatan sa mga kamote?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon pang panahon ni dating Chief PNP Calderon ay ibinulgar nang isang bebot na beat reporter ang mga nangyayaring kababalaghan sa loob ng NBP pero imbes na imbestigahan ang pangyayari ay tinakot pa ang babaeng reporter na nagbulgar ng malalim na operasyon nang droga.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi itatama raw ang isinulat ng bebot na reporter ay kakasuhan siya ng ‘libel’ ng ex-general pero nagmatigas ang reporter at hinintay na lamang ang kasong isasampa laban sa kanya.

Ika nga, sa awa ni Lord hindi siya kinasuhan!

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, after se­veral days yong babaeng nagbulgar ng anomalya sa NBP ay muntik ng madisgrasya kaya sa palagay nang mga kaibigan nito ay may kinalaman ito sa kanyang isinulat.

“Hindi natin sinasabi si Calderon ang may pakana nang pinagkukuentuhan natin pero sa panahon niya nangyari ang pinag-uusapan natin.’

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, kaya ngayon naniniwala sila sa isinulat ng reporter noon na totoo ang mga ibinulgar niya dahil nabuko na ito ngayon ng grupo ni DOJ Secretary Leila de Lima .

Ika nga, may mga high powered fiream, droga, alahas, pera, mga high tech na musical equipment, sangkatutak na salapi at foreign currencies, air-conditioned rooms at office, hindi birong kagamitan pambanyo.

‘Ano ang dapat gawin dito ngayon?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, sibakin lahat, lahat ang mga bantay at opisyal dito dapat walang itira at palitan ng Special Action Forces habang hindi pa nalilipat ang NBP sa Laur, Nueva Ecija.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, maraming preso ang nakakaalam ng operasyon sa NBP kaya lamang takot silang magsalita o kumanta dahil buhay nila tiyak ang kapalit.

‘Ang mga opisyal at bantay na nakipagsabwatan ay dapat kasuhan at kapag napatunayan ay isama na rin sa kulungan.’ sabi ng kuwagong walang silbi.

Abangan.

vuukle comment

ASSET

AYON

KAYA

KUWAGO

MISMO

NANG

ORA

PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with