^

PSN Opinyon

Silanganan Lodge Corner Stone Laying

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ISANG makasaysayan pangyayari ang magaganap dyan sa Lot 7 Block 44 Badger St., Fairmont Subdivision, Barangay North Fairview Quezon City sa Lunes (Nov. 24, 2014) sa masonarya dahil sa ganap na alas - Dos ng hapon ay magkakaroon ang Silanganan Lodge Corner Stone La­ying na pangungunahan ni Most Worshipful Alan Purisima at Worshipful Master Cornelio F. Samaniego III.

Ang lahat ng brethren sa iba’t-ibang Masonic Lodges ay imbitado para masaksihan ang makasaysayan pangyaya­ring ito.

Abangan.

* * *

Ang NBI at ang Top Emperor International KTV Bar

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lalong tumindi ang operasyon ng pinasarang Top Emperor International KTV Bar dyan sa may Remedios Circle, Malate, Manila matapos itong salakayin at ipasara ng mga ahente ng National Bureau of Investigation. Take note, DOJ Secretary Leila de Lima, Your Honor!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga tsekwang bebot ang binitbit ng NBI ng salakayin nila ang lugar pero ang nakakapagtaka saan nila ito dinala ?

“Ano kaya ang masasabi rito ni Secretary de Lima at NBI director Mendez ?’ tanong ng kuwagong haliparot.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinalakay ang Top Emperor International KTV bar dahil sa impormasyon natanggap nila na may mga tsekwang bebot na walang permiso ang nakatirik dito at may magik na ginagawa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasaan ang mga tsekwang bebot na binitbit ng NBI matapos nilang makuha ang mga ito sa Top Emperor International KTV bar?

‘Na-turnover ba sa Bureau of Immigration ang mga tsekwang bebot na nahuli ng alaws permit?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

* * *

Video karera talamak sa Balayan, Batangas

ISINUMBONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na naglatag ng mga makina ng ‘video karera’ ang isang alyas ‘maitim’ sa Balayan, Batangas kaya lokong-loko ang mga kabataan dito sa ngayon.

Sabi nga, pambili ng pagkain sa video karera ipinatatalo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masiadong malakas si alyas ‘maitim’ sa mga pulisya na nakabantay pa diumano sa mga nilatagan ng video karera para kumuha ng kanilang komisyon kapag nagkapartihan sa panalo ng makina.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na halos natutulog ang mga sugarol sa mga barangay dyan sa Balayan na nilatagan ng mga ‘video karera’ dahil karamihan sa mga ito ay gustong magkapera ng malaki.

‘Ang siste imbes manalo ay luhaan silang umuuwi ng haybol dahil tinalo sila ng video karera.’ sabi ng kuwagong argabiado.

Tinatanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sinong kamoteng pulisya o LGU’s dyan sa Balayan, Batangas ang nagbigay ng palaspas este mali basbas pala para maglatag ng video karera?

“Hindi birong kuwarta ang naiuuwi ng grupo ni alyas ‘maitim’ kapag kinukuha nito ang salapi sa makina.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ASSET

BALAYAN

BATANGAS

KUWAGO

MISMO

ORA

TOP EMPEROR INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with