^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Huwag maghamon at saka aatras

Pilipino Star Ngayon

HINDI na maganda ang sunud-sunod na pagtanggi ni Vice President Jejomar Binay sa mga kahili-ngang dumalo siya sa pagdinig ng Senado ukol sa inaakusa sa kanyang overpriced na Makati Parking Building. Noon pa siya inaanyayahan ng Senate blue ribbon subcommittee na dumalo sa pagdinig para raw maipaliwanag ang tungkol sa mga inaakusa pero tinanggihan niya. Katwiran niya, hindi siya makakatanggap ng patas na pagdinig. Lalaitin lang daw siya ng mga senador at ipahihiya. Bakit pa raw siya dadalo. Sabi ni Sen. Antonio Trillanes at Sen. Alan Peter Cayetano, dapat ipaliwanag ni Binay ang lahat ukol sa kontrobersiyal na gusali. Hanggang sa lumutang ang “Hacienda Binay” na lalo pang nagpainit sa isyu ng mga ari-arian ng Vice President.

Muli siyang inimbitahan ni Sen. TG Guingona, chairman ng Senate blue ribbon committee para maipaliwanag ang kanyang panig pero kagaya nang pagtanggi kina Trillanes at Cayetano, ganundin ang ginawa niya kay Guingona. Hindi raw siya dadalo sapagkat hindi magiging parehas sa kanya ang mga nag-iimbestigang senador. Sabi pa niya, pinupulitika lang siya. May mga ambisyon daw ang mga senador na nag-iimbestiga para tumakbo sa 2016 presidential elections.

Marami ang nadidismaya sa paulit-ulit na pagtanggi ni Binay. Kung talaga raw wala siyang itinatago at ginagawang masama, bakit hindi harapin ang mga nag-iimbestiga at patunayang walang katotohanan ang inaakusa. Kung walang ginagawang katiwalian, kahit bali-balikatarin pa ang pagtatanong ng mga senador, hindi magkakamali sapagkat totoo naman ang sinasabi. Hindi kaya nagsasabi ng totoo ang Vice President?

Pagkaraan nang ilang pagtanggi para dumalo sa pagdinig, biglang naghamon si Binay. Magdebate raw sila ni Trillanes. Game si Trillanes. Idadaos daw sa Nobyembre 27 ang debate. Marami ang nasabik sa debate. Maraming naghihintay. Mapapakinggan na nila si Binay.

Pero naunsiyami na naman ang mga naghihintay. Umatras sa debate si Binay. Hindi na raw tuloy. Hindi raw niya nagugustuhan ang attitude ni Trillanes na marami nang sinasabi gayung hindi pa nagdedebate. Lalabas daw siyang nagsasamantala at kakaya-kayanin si Trillanes.

Bigo na naman ang taumbayan at maaaring makabawas ng puntos kay Binay. Sana hindi siya naghamon ng debate at aatras din pala.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

BINAY

GUINGONA

HACIENDA BINAY

SIYA

TRILLANES

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with