^

PSN Opinyon

Droga

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI lamang abortion pills ang dinarayo diyan sa kapaligiran ng Quiapo Church ngayon maging ang ipinagbabawal na shabu ay lantaran na rin binibenta ng drug pushers. Kasi nga habang abala sina Supt. Aldrin Gran, hepe ng MPD Police Station-3 at Plaza Miranda-Police Community Precint commander Inspector Rommel Anicite sa pagbibilang ng kanilang kinikita sa street vendors, nakakalimutan na nilang sugpuin ang naglilipanang tulak ng droga sa kanilang area of responsibility. Ayon sa aking mga nakausap sa bakuran ng Manila Police District headquarters, lantaran na ngayon ang bentahan ng shabu sa kapaligiran ng Quiapo Church kung kaya tumataas ang krimen.

Walang aksyon kasi ang mga barangay chairman at kagawad ng Bgy. 307, 308 at 309 dahil ang pinagkakaabalahan nila ay ang P100 lagay araw-araw ng vendors, hehehe!  Bueno mga suki, upang mapadali ang trabaho ninyo Supt. Gran, Insp. Anicite kasama na kayong mga plastik na opisyales ng barangay, narito ang tips na ipinaabot sa akin, sa Evangelista/Delafe Street lantaran ang abutan ng shabu na ang mga parukyano ay mga holdaper, snatcher at mandurukot. Oras na makapag-shabu na ang mga ito ay nakikihalubilo sa mga customer na pumapasok sa Isetan Deparment Store upang makapambiktima. Sa kanto naman ng Raon/Evangelista ay nariyan ang isang nagngangalang Magda, dito ang bagsakan at dito rin mismo tinatarya ang shabu.

Ang asawa naman ni Magda na burdado ng tattoo ang katawan ang nag-aabot ng mga tinaryang shabu sa mga adik sa harap mismo ng isang food chain. May bentahan din ng droga riyan sa Ronquillo. Si Jhonny na kapatid ni Bong na magpuprutas naman ay kilala sa pagtutulak ng droga  sa  may Virgil de Dios na ang kasabwat ay si July. Hayan Supt. Gran, Insp. Anicite, patikim palang iyan na dapat ninyong pagtuunan ng pansin dahil kung patuloy kayong pakaang-kaang sa inyong nasasakupan tiyak na magti-tiangge na ang mga pusher sa inyong lugar. Hehehe!

Kasi, nakatago sila sa illegal vendors na kanilang palabigasan. Calling MPD Officer-in-Charge SSupt. Rolando Nana Sir, pakilusin mo ang iyong mga tauhan sa District Special Operation Unit at District Anti-Illegal Drugs. Kung patuloy na mamamayagpag ang mga pusher sa kapaligiran ng Quiapo Church baka maunsyami ang inaasam mong star sa balikat. Kung si CInsp. Jesus Respes ang kasagutan sa pag-nuetralized ng illegal gambling sa lungsod ni Mayor Erap Estrda nasisiguro ko na kaya rin niyang sagupain ang vendors ng abortion pills. Habang si DAID chief SInsp. Titoy Jay Cuden naman ay may kakayahan din sigurong alpasan ang kanyang mga tauhan upang malambat ang mga courier at pusher na aking nabanggit. Hala kilos na at baka mapulaan kayo na nagpapalaki lamang ng tiyan. Abangan!

vuukle comment

ALDRIN GRAN

ANICITE

DELAFE STREET

DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT

EVANGELISTA

HAYAN SUPT

INSPECTOR ROMMEL ANICITE

ISETAN DEPARMENT STORE

QUIAPO CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with