^

PSN Opinyon

Sen. Bongbong Marcos at Sen. Grace Poe, magkapatid?

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

MANINIWALA ba kayong magkapatid daw sina Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sen. Grace Poe?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Caloocan City Prosecutor Luchie Cruz-Dacuan, Racquel Montessa, Ruth Abao, Herbert Natividad, Justine Claire Suva Alfonso at Roger Kinanahan.

Alam n’yo bang hindi lang pala sina Sen. Alan Peter Cayetano, Sen Pia Cayetano, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. JV Ejercito ang magkakapatid sa Senado?

Ayon sa aking bubwit, meron ding mga balita na magkapatid din umano sina Sen. Marcos at Sen. Grace Poe. Sila ay sinasabing magkapatid sa ama.

Ito ay matagal nang rumor simula pa noong kuman­didato ang dalawang senador. May tsismis na sila ay parehong anak ni dating President Ferdinand Marcos at ang nanay naman diumano ni Grace ay isang dating sikat na actress na nasa Amerika ngayon.

At alam n’yo ba na ang nasabing rumor ay nakarating na rin pala sa kaalaman ng dalawang senador?

Hindi masyadong sineseryoso ng dalawang senador ang nasabing isyu pero alam n’yo bang napag-usapan na rin nilang dalawa ang bagay na ito?

Ayon sa aking bubwit, minsan ay nagkasalubong sa Senado sina Grace at Marcos. Sabi ng senadora, “Alam mo bang magkapatid daw tayo?”

At sinagot naman ni Marcos na “Oo nga raw, may nagkuwento na rin sa akin sa bagay na ’yan.”

Bagamat pahapyaw na napag-usapan nila ang isyu tungkol sa umano’y pagiging magkapatid nilang dalawa, ito ay hindi naman nila sineryoso. Ito ay ginawa na lamang biruan.
Kaya kapag muli silang nagkakasalubong sa Senado, ang batian na nila ay “Hi Sis” at “Hi Brod.”

Ano sa palagay n’yo?

vuukle comment

ALAM

ALAN PETER CAYETANO

AYON

CALOOCAN CITY PROSECUTOR LUCHIE CRUZ-DACUAN

GRACE POE

HERBERT NATIVIDAD

HI BROD

SEN

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with